Sen. Pangilinan, Sen. Recto at Rep. Vilma Santos et al, nanumpa kay Chief Justice Sereno

Tatlong araw bago ang pagsisimula ng Seventeenth Congress. Nanumpa na kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang ilan sa mga nanalong senador at kongresista.
Una sa mga nanumpa ay ang nagbabalik na senador na si Kiko Pangilinan na nasa ikawalong pwesto sa 2016 senatorial race.
Kasama niya sa oathtaking ang kanyang asawa na si Sharon Cuneta, mga anak at ina.
Pinanumpaan din ng punong mahistrado si Congresswoman-Elect Vilma Santos ng lone district ng Lipa, Batangas.
Sumaksi sa panunumpa ni Santos ang mister niya na si Senator Elect Ralph Recto at anak na Si Ryan Christian.
Pagkatapos ni Santos ay nag-oath taking din kay Sereno ang asawa niya na si Recto na pumasok sa pang- labing isang pwesto sa senatorial elections.
Ang iba pang nanumpa kay Chief Justice ay sina Congressman Elvi Peter Relampagos, Congresswoman Maria Lourdes Acosta-Alba at Vice Governor Jo Christine Revil.