MANILA, Philippines (Eagle News) — Napanatili ng Duterte Administration ang “Very Good” satisfaction rating sa huling bahagi ng taong 2016. Batay sa survey ng Social Weather Stations, 73% ng respondents ang nasiyahan sa gobyerno, 12% ang di-nasiyahan at 15% ang hindi naman desidido. Naniniwala ang respondents na “Very Good” si Pangulong Duterte sa pagtulong sa mahihirap, pagtatanggol sa teritoryo ng bansa, paglaban sa krimen, pagbibigay trabaho at pagpapa-unlad ng science and technology. Gayunpaman “Good” ang […]





