Tag: Davao City

Libo-libong Lumad dumagsa sa Davao City para sa serbisyo-medikal

DAVAO CITY (Eagle News) – Umabot na sa 2,874 ang pamilya ng Lumad o nasa 5000 indibidwal ang kasalukuyang nasa pangangalaga ng Lokal na Pamahalaan sa pitong shelters sa Davao City. Nag-umpisa na ring ipaabot ng Davao City Social Services and Development Office (CSSDO) ang kanilang serbisyo sa dumating na unang bugso ng mga bisitang Lumad noong nakaraang linggo. Ayon kay CSSDO Chief Malou Bermudo, ang unang grupong dumating ay may 1,255 na bata, 47 ang buntis, 5 […]

Relocation projects mas pinalakas ngayon sa Davao City

DAVAO CITY (Eagle News) – Mas pinalakas ngayon ng Local Government ang development ng maraming relocation projects sa pamamagitan ng Davao City Comprehensive Land Use Plan. Ito ay dahil sa dumaraming bilang ng informal settlers. Nakasaad sa nasabing MOA na kailangang gawin ang mas maraming housing units upang maisaayos ang kondisyon ng mga maralita at homeless sa pamamagitan ng mura at maayos na pabahay. Saylan Wens at Haydee Jipolan – EBC Correspondents, Davao City

“Panata sa Karapatang Pantao” isinagawa sa Camp Panacan, Davao

DAVAO CITY (Eagle News) – Nakipag-kaisa ang Eastern Mindanao Command (EMC) sa commemoration ng Human Rights Consciousness Week 2016 sa pamamagitan ng recitation ng “Panata sa Karapatang Pantao” ng lahat ng military personnel ng EMC at Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM) na isinagawa sa Naval Station Felix Apolinario, Camp Panacan, noong Lunes ng umaga, December 5. Pinangunahan ito ni Colonel Gilbert I. Gapay, bagong Deputy Commander at Chief ng Human Rights Office ng EMC. Pinalitan ni Gapay […]

Mayor Sara Duterte maayos na ang pagbubuntis

DAVAO CITY (Eagle News) – Maayos na ang pagbubuntis ni Davao City Mayor Sara Duterte, ito mismo ang kaniyang ipinahayag sa isang interview. Ayon sa alkalde, umiinom siya ng mga gamot para sa komplikasyon ng kaniyang pagbubuntis. Matatandaan na matapos ang Roxas night market bombing noong Setyembre sa Davao, ipinahayag ni Mayor Sara na namatay ang dalawa sa tatlong bata na ipinagbubuntis niya. Pinayuhan din siya ng kaniyang mga doktor na magpahinga muna. Ilang araw lamang […]

205 na ang nahuli sa unang araw ng anti-jaywalking ordinance ng Davao City

DAVAO CITY (Eagle News) – Umabot sa 205 katao ang nahuli sa unang araw ng anti-jaywalking ordinance ng City Transport Management Office (CTTMO) nitong huwebes, December 1  sa Davao City. Ayon kay CTTMO Executive Service Officer Charlotte Parba, may parehong bilang ng lalake at babae ang kanilang nahuli. Karamihan aniya sa kanilang nahuli ay mga empleyado at estudyante. Mayroon din umanong foreign nationals na galing Pakistan, Japan, China, Denmark, at India ang dinala sa kanilang tanggapan. […]

Mayor Sara Duterte humingi ng paumanhin sa ina ng child abuse victim

DAVAO CITY (Eagle News) – Humingi ng paumanhin si Mayor Sara Duterte kay Gng. Erlinda, ina ng child abuse victim na si Jhon Earl Cagalitan. Matatandaan na namatay si Jhon Earl sa kamay ng kaniyang guardians na sina Ronilo at Sarah Jane Alcain habang nagtatrabaho si Erlinda sa Bahrain. Ang dalawang taong gulang na bata ay inilibing na noong Miyerkules ng hapon, November 23, 2016. Iniwan at pinaalaga umano ni Erlinda sa kaniyang pamankin na si Sarah Jane […]

Philippine Eagle Foundation inanunsiyo ang successful birth ng 28th eaglet

DAVAO CITY (Eagle News) – Inanunsyo ng Philippine Eagle Foundation (PEF) ang successful birth ng kanilang ika-28 eaglet mula sa Philippine Eagle Foundation conservation breeding program sa Malagos, Baguio District, Davao. Ayon kay PEF Executive Director, Dennis Salvador, ang eaglet umano ay na hatched na may minimal assistance noong November 4, matapos ang 56 na araw na incubation. Sa kasalukuyan ay nasa 5 to 6 inches tall na aniya ito at tumitimbang ng 488.3 grams. Ang […]

Fetus na isinama sa hasang ng mga isda, natagpuan ng isang basurero

DAVAO CITY (Eagle News) Isang patay na fetus na isinilid sa icebox na nakabalot pa ng plastic. Ang nasabing fetus ay inihalo sa mga hasang at lamang loob ng isda sa loob ng icebox. Nakita ito noong Miyerkules, November 23, 2016, pasado 5:00 ng umaga sa New Carmen, Sanitary Landfill, Tugbok District, Davao City. Ayon kay Ronald Candido, isang basurero at nakakita sa nasabing icebox, naghahanap umano siya ng recycled materials ng makita niya ang icebox na […]

Security and counter terrorism campaign ng Davao lalong pina-igting

DAVAO CITY (Eagle News) – Ipinahayag ni Mayor Inday Sara Duterte sa isinagawang pulong ng City Peace and Order Council (CPOC) kamakailan na magtatatag umano ang Davao City ng permanenteng traffic inspection stations sa mga borders bilang bahagi ng counter-terrorism measures ng lungsod. Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan ng matataas na opisyal ng pulis, militar, kinatawan ng sektor ng negosyo at iba pang grupo. Ayon kay Mayor Sara, maaring simulan ang paglagay ng permanenteng inspection stations […]

Child abuse cases tututukan sa pagbabalik ni Pangulong Duterte

DAVAO CITY (Eagle News) – Naalarma si Pangulong Rodrigo Duterte sa tumataas na bilang ng kasong child abuse sa buong Bansa. Sa pahayag ng Pangulo bago ito umalis patungong Lima, Peru ay kaniyang tiniyak na sa pagbabalik niya ay tututukan ang mga kasong may kinalaman sa pang-aabuso, pananakit at pagpatay sa mga bata at maging sa mga kababaihan. Sinabi rin ng Pangulo na kaniyang kakausapin ang DSWD ukol dito. Ayon pa sa Pangulo, marami sa mga biktima ay menor […]

Mayor Sara, pinuri ang activation ng Task Force Haribon para sa seguridad ng Davao

DAVAO CITY (Eagle News) – Pinangunahan ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte Carpio ang ‘Activation Ceremony’ ng Armed Forces of the Philippines ang Joint Task Force “HARIBON”. Si Mayor Sara ang guest speaker sa isinagawang ceremony sa Camp Panacan, Davao City at ayon sa kaniya isa itong welcome development sa Security ng Davao. Aniya, ang Joint Task force ay isang malaking tulong upang malabanan ang terrorismo. Ang Davao City umano ay walang dudang nasa forefront […]

Vice Mayor Paolo Duterte tinanggap ang hamon ni Senator Trillanes para sa drug test

DAVAO CITY (Eagle News) – Tinanggap ni Vice Mayor Paolo Duterte ang hamon ni Senator Antonio Trillanes IV na sumailalim sila sa comprehensive drug test matapos nitong ihayag na may isang Senator umano ang gumagamit ng cocaine. Inaayos na lamang umano ni Duterte ang kaniyang schedules upang maisagawa ito. Mungkahi ng Bise Mayor, hindi lamang dapat aniya si Trillanes kundi maging lahat ng Senador umano ay gawin din ito bilang pag-suporta na rin sa anti-illegal drugs campaign […]