Ni Ricky Laggui Eagle News Service (Eagle News) — Inilibing na ang namatay na Hepe ng Mallig Police Station na si Chief Insp. Michael Angelo Tubaña kaninang umaga, Hunyo 26 sa Ilagan Memorial Park. Ginawaran din ito ng Isabela Police Provincial Office ng full military honors, sa pangunguna ni Police Supt. Mariano Rodriguez, ang Provincial Director ng IPPO bilang pagkilala sa kanyang kabayanihan sa pagtupad ng kanyang tungkulin bilang hepe ng Mallig Police Station. […]





