Tag: Bulkang Mayon

Bulkang Mayon nagbuga ng abo – PHIVOLCS

(Eagle News) — Nagbuga ng abo ang Bulkang Mayon kaninang umaga. Ayon kay Ed Lagueta, resident volcanologist ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa Albay, naitala ang bahagyang pagbubuga ng abo sa bulkan, alas 8:40 ng umaga kanina. Sa ngayon ayon kay Laguerta ay wala pa naman silang nakikitang banta ng major volcanic activity sa Mayon. Ipinaliwanag nito na ang pagbuga ng abo ay pag-init ng tubig sa ilalim ng crater ng bulkan. Patuloy […]

3 volcanic earthquakes, rockfall event naitala sa Bulkang Mayon

(Eagle News) — Nakapagtala ang bulkang Mayon ng tatlong beses na pagyanig o earthquake at isang rockfall event sa nakalipas na 24-oras. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang nasabing mulkan ay aktibo pa rin kung kaya nakataas pa rin ang Bulkang Mayon sa Alert Level 2 na nangangahulugang nasa moderate level ng unrest. Pinapayuhan naman ang publiko na mag-ingat sa posibleng pagsabog, pagbubuga ng abo, lava collapses, at pyroclastic density currents […]

PHILVOCS mahigpit na nakabantay sa Bulkang Mayon matapos magbuga ng gaas

(Eagle News) — Mahigpit na nakabantay ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) matapos kakitaan ng panibagong aktibidad ang Bulkang Mayon noong nakalipas na linggo. Ayon kay Director Renato Solidum, hindi naman nila ibinaba ang alert level 2 sa bulkan kahit pa tumigil na ito sa pagsabog noong buwan ng Marso. Paliwanag ni Solidum, nagpapakita pa rin kasi ng senyales ang bulkan gaya ng pamamaga ng dalisdis nito at pagbuga ng gaas na naobserbahan […]

Karagdagang 7,000 hanggang 8,000 na pamilya, ililikas sa Mayon area – NDRRMC

LEGAZPI, Albay (Eagle News) – Karagdagang 7,000 hanggang 8,000 na pamilya ang inililikas na matapos itaas sa alert level 4 sa bulkang Mayon kasunod nang magma eruptions. Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Romina Marasigan, inaayos ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council at Albay Local Government ang evacuation. Kabuuang 6,498 na pamilya o katumbas ng 24,611 katao ang nasa loob ng 27 evacuation centers. Dagdag pa ni Marasigan, […]

Lalawigan ng Albay isinailalim na sa state of calamity dahil sa aktibidad ng Bulkang Mayon

LEGASPI, Albay (Eagle News) — Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng buong Albay dahil sa patuloy na paglalabas ng mga pyroclastic material ng Bulkang Mayon. Ayon kay Albay Governor Al Francis Bitchara, gagamitin ng pamahalaang panlalawigan ang 65 million pesos na calamity fund sa pagbili ng mga kinakailangang pagkain at gamot para sa mga direktang maaapektuhan sa pag-aalburuto ng bulkan. Sa kasalukuyan, mahigit sa 25,000 katao na ang nasa iba’t ibang mga […]

Mainit na panahon, nararanasan sa Albay hanggang gabi

Nararamdaman na ngayon ang malamig na panahon sa maraming lugar sa bansa dahil sa pagpasok ng hanging amihan. Sa kabila nito, nananatili namang mainit ang panahon sa Albay kahit sa gabi dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng bulkang Mayon. Eagle News Correspondent Jorge Hallare Report