(Eagle News) — Bagamat nahihirapan, tuloy pa rin ang buhay para sa mga mamamayan sa Buhi, Camarines Sur na isa rin sa matinding tinamaan ng Bagyong Usman. Ayon kay Buhi Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) Head Carmelita Marquez, ayaw na nilang maulit pa ang landslide na nangyari sa kanilang bayan. Tuluy-tuloy aniya ang relief operations sa mga naapektuhan ng nagdaang bagyo. Dahil dito, naghahanda na at pinagpapaplanuhan nang mabuti ng municipal government […]





