Tag: Barangay at SK elections

Proklamasyon ng mga nanalo sa barangay at SK polls, 100% na- Comelec

(Eagle News)– Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) ngayong araw, Mayo 17, na tapos na ang bilangan ng mga balota at nai-proklama na ang lahat ng mga nanalong kandidato sa katatapos lamang na barangay at Sangguniang Kabataan (SK) eleksyon sa bansa. “Regarding the proclamations, we’re at 100% as of 4:30 a.m. today,” pahayag ni Comelec spokesperson James Jimenez. Samantala, sinabi ni Comelec Acting Chairman Al Parreño na tinatayang nasa 75 porsyento ang voter turnout sa katatapos […]

Pagsisimula ng bilangan para sa barangay at SK elections, isinagawa na sa Aurora, Isabela

(Eagle News) — Ganap na ika-3 ng hapon ay halos wala nang dumating upang bomoto para sa barangay at Sangguniang Kabataan sa bawat barangay. Nagsimula ring mag-ayos ang mga Board of Election Inspectors (BEIs) para sa manual counting. Isinagawa ang pagbilang sa mga balota pagkasara ng mga presinto. Pinangunahan ito ng mga BEI kasama ang mga watcher ng bawat partido. Benjie V. Bautista

Matinding traffic, naranasan sa Loma de Gato sa Marilao, Bulacan dahil sa dami ng tao na nais bumoto

(Eagle News) — Nagdulot naman ng matinding traffic congestion sa kahabaan ng Villarica Road, Barangay Loma de Gato, Marilao, Bulacan ang isinasagawang barangay at SK elections sa nasabing lugar. Halos hindi kasi makausad ang mga sasakyan dahil sa dami tao na naglalakad sa halos isang lane ng kalsada upang tumungo sa Loma de Gato Elementary School upang lumahok sa synchronized barangay at SK elections. Samantala, bukod sa dito ay payapa naman ang botohan sa mga […]

Bilang ng mga napapatay ngayong election period pumalo na sa 33

(Eagle News) — Umakyat na sa 33 ang bilang ng mga namamatay ngayong panahon ng eleksyon. Ito ang inanunsyo ni Philippine National Polcie Chief Oscar Albayalde sa isinagawang news briefing sa Camp Crame nitong Lunez, ika-14 ng Mayo. Inihayag naman ng opisyal na nakapagtala na ng 36 na election-related violent incident mula ng magsimula ang election period. Pito aniya rito ang kumpirmadong election-related violent incidents. “This is lower compared to the 2013 elections of 109 […]

Seguridad sa pagbobotohan ni Pangulong Duterte, kasado na

(Eagle News) — Mahigpit na seguridad ang ipinatutupad sa loob at labas ng Daniel R. Aguinaldo High School sa Matina, Davao City kung saan boboto ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang tiniyak ng principal ng eskuwelahan na si Arlene Pernes, dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga tao upang masilayan si Pangulong Duterte. Ayon kay Pernes, nakahanda na ang crowd control sa oras na dumating na ang Pangulo para bumoto. Inilabas na rin ang […]

Comelec, hindi na magbibigay ng palugit sa mga huling maghahain ng CoC para sa barangay at SK elections

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Pagpatak ng alas singko ng hapon (5:00 PM) sa Biyernes, Abril 20, ang cut-off para sa pagtanggap ng mga certificate of candidacy ng mga tatakbo sa barangay at Sangguniang Kabataan elections. Ayon sa Commission on Elections (Comelec), hindi na sila magbibigay ng anumang palugit sa CoC filing. Mula nang umarangkada ang paghahain ng CoC, pumalo na sa mahigit 200,000 kakandidatong barangay officials ang nagpatala na sa Comelec habang nasa […]

Comelec, humiling kay Pangulong Duterte na gawing non-working holiday ang Barangay at SK elections

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Humiling ang Commission on Elections (Comelec) kay Pangulong Rodrigo Duterte na ideklarang special non-working holiday ang May 14 kaugnay ng idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataan elections. Batay sa inilabas na Resolution 10301, sinabi ng Comelec na dapat mabigyan ng oportunidad ang mga Filipino na magawa ang kanilang karapatan na makaboto. Ang resolusyon ay nilagdaan nina Comelec Acting Chairman Commissioner Al Pareno, at mga commissioners na sina Luie Guia, […]

NCRPO mahigpit na nakamonitor sa election watchlist areas

MANILA, Philippines (Eagle News) — Pinabulaanan ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief director Oscar Albayalde ang mga lumabas na balita na pinasusuko niya  ang mga barangay official na nasa drug watch list. Ayon kay Albayalde na incoming PNP chief, ang sinabi niya ay dapat sumailalim sa drug test ang mga opisyal ng barangay lalo na’t may plano ang mga ito na tumakbo sa darating na barangay at Sangguniang Kabataan elections. Sa ganitong paraan […]

Panukalang pagpapaliban sa barangay at SK elections, malabong makakalusot sa Senado

(Eagle News) – Malabong makalulusot sa Senado ang kapapasa pa lamang sa committee level ng Kamara na panukalang pagpapaliban sa barangay at SK elections. Ito ay ayon kay Senate President Koko Pimentel. Ayon sa senador, may limang sesyon na lamang ang natitira bago ang kanilang bakasyon sa Marso 21.   Sinabi  ni Pimentel na marami pang  pagdadaanan ang panukala sakaling i-akyat ito sa Senado. Bago aniya ito madala sa plenary ay kailangan munang magsagawa ng […]

Malacañang tiniyak na tuloy ang Barangay, SK elections sa Mayo

MANILA, Philippines (Eagle News) — Tiniyak ng Malacañang na tuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Mayo ng taong ito. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kinakailangang sang-ayunan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang anumang panukalang batas na muling magpapaliban sa Barangay at SK elections. Malabo aniyang umusad ang mga panukalang batas sa mababang kapulungan para sa muling pagpapaliban ng eleksyon dahil wala naman itong suporta ng Senado. Matatandaang dalawang petisyon ang inihain […]