Tag: bagyong Agaton

Roxas, Palawan, zero casualty sa pagdaan ng bagyong Agaton

ROXAS, Palawan (Eagle News) — Ipinagmalaki ng pinuno ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC)-Roxas, Palawan ang zero casualty sa pagdaan ng bagyong Agaton nitong nakalipas na araw sa bayan. Ayon kay MDRRMC Officer Jerry Alili, bagaman hindi sentro ng bagyo ang tumama sa naturang munisipyo ay nakaranas pa rin ng malakas na hangin at ulan ang lahat ng mga barangay, dahilan upang makaranas ng matinding pagbaha sa lugar. Bukod pa dito, winasak din […]

Klase sa Albay at Camsur, suspendido pa rin

(Eagle News) – Bagaman nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong “Agaton,” nananatiling suspendido ang klase sa ilang mga lugar bunsod ng naging epekto nito na pagbaha at pagguho ng lupa. Walang klase sa lahat ng antas ngayong araw, Huwebes, January 4, 2018 sa: Albay (public at private) Camarines Sur (public at private)   https://www.youtube.com/watch?v=Ija6OnJ-pfo&feature=youtu.be

2 katao patay sa pananalasa ng bagyong “Agaton” sa Visayas

(Eagle News) – Dalawa na ang naitalang patay sanhi ng pananalasa ng bagyong “Agaton” sa Visayas. Nasawi sa landslide ang biktimang si Flora Basadre, 64 taong gulang, matapos na matabunan ng lupa at putik ang kanilang tahanan sa kasagsagan ng pag-ulan sa Brgy. Looc, Malabuyoc, Cebu. Samantala, isinisisi rin sa bagyo ang pagkamatay ng 39 anyos na lalake na nabagok ang ulo matapos tumalon sa bintana ng kanilang bahay sa sobrang pagkataranta sa gitna ng […]