Tag: Baguio City

Malakas na pag-ulan nararanasan na sa Baguio City

Ni Freddie Rulloda Eagle News Service (Eagle News) — Nararanasan na ang malakas na pag-ulan sa lalawigan ng Baguio City ngayong Biyernes ng hapon, Setyembre 14. Dahil sa malakas na pag-ulan ay nasa 300 pamilya na ang inilikas sa mga evacuatin center sa Tuba, Bengut.

4 na drug suspek, arestado sa buy-bust operation sa Baguio City

(Eagle News) — Arestado ang 4 na drug suspek sa buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Baguio City Police Office at PDEA Cordillera sa Lower Rock Quarry, Baguio City. Nakilala ang mga suspek na sina Michael Dumagcao,Alberto England, John Michael Garcia, at Louie Clemente. Ayon kay Chief Supt. Edward Carranza, Regional Director ng PNP Cordillera, nanlaban pa sa mga awtoridad ang mga suspek nang mahalata nila na mga pulis ang kanilang ka-transaksyon. Pinaputukan umano […]

Bilis Cave, malapit nang buksan sa publiko upang maging isa sa tourist spots sa Baguio City

BAGUIO CITY, Benguet (Eagle News) — Sa hinaharap, maaari nang mamasyal sa bagong diskubre na kweba  sa Baguio City. Kapag ito ay pormal nang binuksan ng City Government of Baguio para gawing isang tourist spot ay papangalanan itong Bilis Cave. Ayon kay Baguio City councilor Leandro Yangot Jr., kailangan munang magawan ng mga guidelines bago pormal na buksan sa publiko ang lugar upang maingatan at mapanatili ang kagandahan at kalinisan nito.  

3 katao sugatan sa karambola ng 4 na sasakyan sa Baguio City

  BENGUET, Baguio City (Eagle News) — Tatlo katao ang sugatan matapos na magkarambola ang apat na sasakyan sa Bokawkan Road Baguio City. Ayon kay Rafael Valencia ng Rescue 911 Baguio City, ang mga sugatan sa nasabing aksidente ay kinilalang sina Jovento Toquero, 22, Cesar Novillo, 47, at isa pa na nakilala lamang sa apelyidong Mader, 37 taong gulang na agad namang isinugod sa Baguio General Hospital para lapatan ng lunas. Agad ring rumesponde sa […]

Vice President Leni Robredo, panauhing pandangal sa opening ng Photo Gallery sa Baguio City

BAGUIO CITY, Benguet (Eagle News) – Naging panauhing pandangal si Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo sa opening ng Photo Gallery na ginanap sa Function Hall ng University of the Cordillera, Governor Pack Road, Baguio City, noong August 30. Ito ay may temang, “Istorya ng Pag-asa.” Dinaluhan ito ng ilang opisyal mula sa iba’t-ibang ahensya ng lungsod at lalawigan, local government units, at nongovernment organizations, kasama ang ilang local artists, at sports personalities. Sa maikling talumpati […]

Koreanong nawala sa Mt. Amuyao, nailipat na sa Baguio Gen. Hospital matapos matagpuan sa Barlig

  BAGUIO CITY, Benguet (Eagle News) – Nailipat na sa Baguio General Hospital and Medical Center ang Korean national na nawala ng ilang araw sa Mt. Amuyao, Mt. Province para lubusang makapagpagaling. Natagpuan ng mga awtoridad noong Miyerkules, June 21 si Choi Sung Kyu, isang real estate broker sa South Korea, at nagbakasyon lang dito sa Pilipinas. June 9 pa nang mawala si Sung Kyu matapos umakyat sa Mt. Amuyao. Labing isang araw din itong pinaghahanap […]

Truck ban mahigpit ng ipatutupad ng lokal na pamahalaan ng Baguio City

  BAGUIO CITY (Eagle News) — Mahigpit ng ipatutupad ng lokal na pamahalaan ng Baguio City ang City Ordinance No. 05, series of 2017 o truck ban sa lungsod. Ito ay matapos na maamyendahan at maaprubahan ng lower legislative body o konseho sa lungsod ang naturang ordinansa na kinatigan din ng iba’t ibang sektor. Matatandaan na apat na beses na sinuspinde ng lokal na pamahalaan ang pagpapatupad sa naturang ordinansa  matapos na iakyat sa konseho […]

BJMP Baguio, naghatid ng saya at regalo para sa anak ng mga inmate

BAGUIO CITY, Benguet (Eagle News) – Bakas sa mga mukha ng mga bata ang kaligayahan ng makatanggap sila ng munting regalo at kalinga mula sa pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa isinagawang community activity relations service sa Baguio City Athletic Bowl. Ang naturang programa o home visitation activity ng BJMP ay may temang, “Pag aaruga ko, Kasama family mo.” Naglalayon ito na matulungan ang mga batang anak ng inmates ng Baguio City Jail. […]

Baguio City nakiisa sa paggunita sa ‘Araw ng Kagitingan’

BAGUIO CITY, Philippines (Eagle News) – Ipinadiwang ng Baguio City ang ‘Araw ng Kagitingan’ sa Veterans Park. Ito ay pinangunahan ng opisyal ng gobyerno ng lungsod sa pangunguna ni City Mayor Mauricio G. Domogan sa pakikipag-unayan ng Philippine Veterans Association Office (PVAO). Sinaksihan ng mga kawani ng lungsod ang ginawang programa kasama din ang mga kawani ng Baguio City Police Office (BCPO), Boys Scout of the Philippines (BSP- Baguio Chapter), Philippine Military Academy at and Veterans […]