(Eagle News) — Matinding pinsala ang naranasan ng mga mamamayan lalo na ng mga magsasaka sa bayan ng Baggao sa lalawigan ng Cagayan. Matatandaang sa Baggao ang sentro kung saan tumama ang mata ng bagyong Ompong. Inararo ng malakas na hangin ang hekta-hektaryang pananim na mga mais. Hindi na ito gaanong pakikinabangan ng mga magsasaka dahil sa naging pinsala. Nasira din ang maraming kabahayan sa bayang ito. Nagliparan ang mga bubong ng ilang mga bahay […]





