Kauna-unahang independent film ni Angeline Quinto kung sakali ang ” Malinak Ya Labi” (O Silent Night). Ito ay isa sa mga entries ng C1 original 2016. Makakasama niya rito sina Allen Dizon, Sue Prado, Luz Fernandez, Raquel Villavicencio, Jhong Hilario, Menggie Cobarrubias, at mula sa direksiyon at panulat ni Jose Abdel Langit. Ang Malinak Ya Labi (O Silent Night) ay isang pelikula patungkol sa mga paniniwala ng mga taga-Pangasinan.
Tag: Angeline Quinto
Divas: Angeline, Kyla, KZ, Yeng at Rachelle Ann, magsasama-sama sa Divas Live in Manila
Magsasama-sama ang limang kinikilalang mag-aawit ng ating bansa sa kauna-unahang pagkakataon sa isang concert. Nakatakda ang concert sa Nobyembre at sa naganap na press conference ng “Divas Live in Manila”, opisyal ng ipinakilala ang limang best female singers.





