Divas: Angeline, Kyla, KZ, Yeng at Rachelle Ann, magsasama-sama sa Divas Live in Manila

Magsasama-sama ang limang kinikilalang mag-aawit ng ating bansa sa kauna-unahang pagkakataon sa isang concert. Nakatakda ang concert sa Nobyembre at sa naganap na press conference ng “Divas Live in Manila”, opisyal ng ipinakilala ang limang best female singers.