(Eagle News) — Dahil sa pinsalang dulot ng naganap na forest fire sa bahagi ng Poblacion Village at Eddet Village sa Kabayan town sa lalawigan ng Benguet, pansamanatalang isinara sa mga turista ang Akiki trail na siyang pangunahing ruta patungong Mt. Pulag. Kasunod nito ay ang pagsasara rin sa Mt. Pulag upang magsagawa ng rehabilitasyon sa lugar para sa seguridad at kaligtasan ng publiko partikular na sa mga trekker. Sa ngayon ay hindi pa inilalabas […]





