Klase sa elementarya at sekondarya sa Quirino, sinuspende dahil sa matinding pag-ulan

 

(Eagle News) — Idineklara na kahapon, Nobyembre 5 ni Governor Junie Cua ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas ng Elementarya at sekondarya, public and private sa lalawigan ng Quirino. Dulot ito ng walang tigil na pagbuhos ng ulan at pagguho ng lupa mula sa matataas na bahagi nito.

Pinapayuhan ang lahat na huwag piliting tumawid sa mga tulay upang maiwasan ang anumang di kanais nais na pangyayari.

May ilang barangay na ang isolated katulad ng Sto. Nino, Villa Gracia at Manglad ng bayan ng Maddela dahil umapaw na ang tubig na nag-uugnay sa mga nabanggit na barangay.

Magreresume ang klase depende sa kalagayan ng panahon sa loob ng bente kwatro oras.

(Eagle News Service Shiella May Gelacio)