Dapat bang mag-panic sa banta ng Omicron variant? |BALITALAKAYAN w/ OCTA Research Fellow Guido David

Ipinahayag ni OCTA Research Fellow, Dr. Guido David, na walang dahilan para mag-panic sa banta ng Omicron variant dahil ayon sa kaniya, “wala pang kasiguraduhan na magiging threat” sa atin ang Covid-19 variant na ito.

Subalit nilinaw niya na tama ang ginagawa ng gobyerno na precautions at paghahanda para sa posibleng pagpasok ng Omicron variant sa bansa katulad ng pag-i-implement ng travel ban sa mga key countries na may “high suspicion” ng presensiya ng bagong variant na ito.