Weather Forecast

Valencia City nagpatupad ng forced evacuation dahil sa patuloy na pagtaas ng Pulangi River

VALENCIA CITY, Bukidnon (Eagle News) — Dahil sa patuloy na paghagupit ng bagyong “Vinta” sa Mindanao, umabot na sa lebel na kritikal ang Pulangi River, kung kaya’t pinalikas na ang mga residente ng labing-isang (11) barangay sa Valencia City, Malaybalay, Bukidnon. Ang forced evacuation ay inanunsyo bago pa ang inaasahang pananalasa ng bagyo sa kalapit na lungsod ng Malaybalay City. Pinag-aaralan na rin ng lokal na pamahalaan ang pansamantalang pagsasara ng Bingcungan Bridge sa Tagum […]

Bagyong Urduja napanatili ang lakas; posibleng tumama sa Bicol Region ngayong weekend – PAGASA

MANILA, Philippines (Eagle News) — Napanatili ng bagyong Urduja ang lakas nito. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maaari itong tumama sa kalupaan ngayong weekend. Ayon sa PAGASA, ang tropical depression Urduja ay huling namataan sa layong 455 kilometers east ng Surigao City. Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras. Kumikilos ang bagyo sa bilis na 7 […]

Hanging amihan bahagyang humina, ayon sa PAGASA

MANILA, Philippines (Eagle News) — Bahagyang humina ang hanging Amihan na nagdadala ng malamig na hanging tuwing holiday season. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sa Martes o Miyerkules inaasahang muling lalakas ang amihan na aabot hanggang Metro Manila. Samantala, ngayong araw ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ang silangang bahagi ng northern Luzon dulot ng cold front. Habang sa Visayas at Mindanao naman, magdadala ng pag-ulan at thunderstorms ang ITCZ […]

More than 3,000 passengers stranded due to tropical storm “Salome”

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — More than 3, 000 passengers were stranded in ports and harbor all over Southern Tagalog and Bicol regions due to tropical storm “Salome.” The Philippine Coast Guard (PCG) is strictly implementing Memorandum Circular No. 02-13 or Guidelines for Sea Travel during inclement weather. Meanwhile, storm warning signals have been lifted as tropical storm “Salome” moved farther from land and out over the West Philippine Sea. https://youtu.be/EGGqdWuoMzs

Philippines under cloudy skies as PAGASA monitors three weather systems

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — The Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), the country’s weather bureau, said that it is now monitoring three simultaneous weather systems, which will cause cloudy skies all over the country. PAGASA said that a tail-end of the cold front is affecting the eastern section of northern and central Luzon.  It also noted an Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affect the eastern section of Visayas and Mindanao.  The areas […]

Ilang flight ng PAL, kinansela dahil sa masamang lagay ng panahon

(Eagle News) — Kanselado ngayong Lunes, Nobyembre 6 ang ilang flight dahil sa masamang lagay ng panahon. Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), kinansela ng Philippine Airlines (PAL) ang flight ng biyaheng Manila to Basco at pabalik. Ang mga apektadong pasahero ay pinapayuhan na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng pamasahe. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), apektado ng tail-end ng cold front, easterlies at northeast […]

Halos buong bansa, makararanas ng pag-ulan ngayong araw dahil sa LPA

(Eagle News) — Apektado ng low pressure area (LPA) ang halos buong bansa ngayong araw. Sa huling tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang LPA ay namataan sa layong 245 kilometers east southeast ng Hinatuan, Surigao Del Sur. Sa ngayon mababa pa ang tsansa na ito ay maging bagyo. Ayon sa PAGASA, tatawid ang LPA sa kalupaan ng Visayas at sa West Philippine Sea. Dahil sa nasabing LPA, ang Metro Manila, […]

Bagyong may international name na “Talim,” papasok sa bansa ngayong araw

(Eagle News) — Isang bagyo na may international name na “Talim” ang inaasahang papasok sa bansa ngayong araw, Setyembre 11. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang bagyo ay huling namataan ng sa 1,665 kilometers east ng central luzon. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 90 kilometers per hour (kph) at pagbugsong aabot sa 115 kph. Kumikilos ang bagyo sa bilis na 29 kph sa direksyong west northwest. Papangalanan […]

Bagyo na nasa labas ng PAR, isa nang severe tropical storm

(Eagle News) — Lalo pang lumakas ang bagyo na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Ang bagyong may international name na “Sanvu” ay isa na ngayong severe tropical storm. Huli itong namataan sa dalawang libo limang daan at limampung kilometro (2,550 km) sa silangan hilagang silangan ng extreme northern Luzon. Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa isang daan at limang […]

Palawan, Visayas at Mindanao, apektado ng ITCZ

(Eagle News) — Magiging maulan ang panahon sa Palawan, Visayas at Mindanao dahil sa inter-tropical convergence zone (ITCZ), ito ay ayon sa inilabas na advisory ng Philippine Atmospheric Geophysical and  Astronomical Services Administration (PAGASA). Maulap na may mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Mimaropa, Bicol, ilang bahagi ng Visayas, hilagang bahagi ng Mindanao at Caraga. Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated rain […]

PAGASA advises public to prepare for extreme heat

QUEZON City, Philippines – The Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) has advised the public to prepare for rising temperatures after the heat in Cabanatuan City, Nueva Ecija reached 47.8 degree Celsius last March 26. The weather bureau is expecting a continuing rise in the temperature due to the easterlies. PAGASA also said that the heat index in Metro Manila may reach 35 to 37 degrees Celsius. https://youtu.be/V3AOBHqNIbg

Bagyong Bising, papalayo na sa bansa: posibleng lumabas sa PAR sa Miyerkules

QUEZON CITY, Philippines — Papalayo na sa bansa ang binabantayang bagyong Bising at posibleng lumabas sa Philippine Area Of Responsibility (PAR) sa susunod na 72 oras o sa araw ng Miyerkules. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) , huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 415 kilometro east ng Guiuan, Eastern Samar. Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at pagbugsong 70 kph. Kumikilos ang tropical depression pa-hilaga […]