Provincial News

Bakuna kontra tigdas, isinagawa sa Laguna

AGOST 17 (Agila Probinsya) — Nagsagawa ang Health Center ng Barangay Dela Paz, Laguna ng pagbabakuna sa mga sanggol kontra tigdas. Maaga pa lamang ay halos napuno na ang health center. Ang mga magulang dala ang kanilang mga anak na sanggol upang mapabakunahan. Ang pagbabakuna ay pinangasiwaan ni Araceli Cantes. Isang registered midwife na siyang head ng Health Center ng Dela Paz. Nagdatingan din ang mga midwife galing Perpetual Help Hospital sa pangunguna ni Dr. […]

North Cotabato twister hurts 7, destroys 150 houses, mosque, school

PIKIT, North Cotabato, Aug. 14 (PNA) –- A twister swept through three interior villages here late Thursday afternoon, wounding seven residents and destroying 152 houses, mosque and a school, a disaster official today said. Tahira Kalatongan of the Pikit municipal disaster risk reduction and management council (MDRRMC), said in a radio interview that the victims were residents of Barangays Manaulanan, Punol and Pamalian where the twister swept through at past 3 p.m. Kalantongan said the […]

Breast Feeding Awareness Month Celebration

Inilunsad sa Adela Serra Ty Memorial Medical center sa Tandag City lalawigan ng Surigao del Sur ang Breast Feeding Awareness Month na may temang ikampanya partikular na sa mga bagong panganak na mga ina ang ukol sa “Pagtataguyod sa pagpapasuso,nakasalalay buhay ng anak mo.” Ang nasabing aktibidad na ito ay dinaluhan ng mga ina kasama ang kanilang mga bagong panganak. Tinalakay sa pagtitipon na ito ang mga kapamaraanan na mahalagang malaman at magawa ng mga […]

46th Founding Anniversary ng San Jose City, ipinagdiwang

AGOSTO 12 (Agila Probinsya) — Ginunita ang ika-apatnapu’t anim na selebrasyon ng pagkakatatag ng San Jose bilang isang lungsod na may temang, “Kabataan, pangalagaan para sa magandang kinabukasan.” Kaugnay nito, nagsagawa ng programa ang lokal ng pamahalaan para sa mga kabataan, kung saan nanumpa na rin ang mga “Little City Officials” na manunungkulan sa buwan ng Disyembre. Bahagi rin ng pagdiriwang ang ginanap na parada na nilahukan ng iba’t-ibang sektor sa lungsod gaya ng Department […]

Mga miyembro ng Sta. Rosa PNP binigyan ng gawad ng pagkilala ng sangguniang panlungsod

AGOSTO 12 (Agila Probinsya) — Ipiniresinta ng Sta.Rosa Philippine National Police (PNP) sa pangunguna ni Police Superintendent Reynaldo Maclang ang kanilang mga naging accomplishment sa harap ng regular na sesyon ng sangguniang panlungsod na pinangungunahan ni Vice Mayor Arnel Gomez na ginanap sa City Hall ng Sta. Rosa, Laguna. Matapos ipresinta ang mga naging aktibidad ng STA. Rosa PNP ay nagbigay ang sangguniang panlungsod ng gawad pagkilala sa istasyon ng kapulisan. Ang gawad na ibinigay […]

Dengue Symposium isinagawa sa Mabalacat, Pampanga

AGOSTO 11 (Agila Probinsya) — Isang “Dengue Symposium” ang isinagawa sa isang covered court ng isang paaralan na dinaluhan ng may 500 estudyante at mga magulang. Pinangunahan ito ng City Health Office at City Schools Division ng lungsod ng Mabalacat. Ang tema ng pagtitipon ay “Iwas Dengue”. Ipinaliwanag ni Dr. Freddie Anunciacion, Rural Health Physician ng PHU II ang apat na pamamaraan kung paano massugpo ang pagkalat ng dengue sa mga paaralan. Apat na pamamaraan […]

DAR nakatutok sa pagsugpo ng epekto ng lumalalang climate change

AGOSTO 11 (Agila Probinsya) — Puspusan ngayon ang kampanya ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa kanilang mga kooperatiba para maihanda sila sa pagtulong na masugpo ang lumalalang pag-init ng mundo dahil sa pabago-bagong panahon. Ayon sa focal person ng Climate Change na si Emil Maure, naka-integrate ngayon ang usapin ng climate change sa isinasagawa nilang mandatory training para sa kanilang mga assisted cooperative sa iba’t-ibang dako ng Aurora. Katuwang ang Cooperative Development Authority, nagsimulang […]

Lokal ng pamahalaan ng Calapan, Oriental Mindoro target na mabigyan ng health card lahat ng residente

AGOSTO 10 (Agila Probinsya) — Upang masiguro na lahat ng mga resident ng Calapan, Oriental Mindoro ay mabibigyan ng gold card o health card, binago ng lokal na pamahalan ang sistema ng pagpapatupad ng nasabing Health Care Program. Kasama sa ipinatupad na pagbabago ang paglalagay ng ceiling sa paggamit ng gold card dahil sa nangyaring fund shortage notong mga nakalipas na buwan. Layunin ng programang ito na mabigyan ang lahat ng pamilyang Calapeno. (Agila Probinsya […]

COMELEC nagsagawa ng motorcade para ikampanya ang “No Bio, No Boto”

AGOSTO 10 (Agila Probinsya) — Nagsagawa ng motorcade ang mga kawani ng mga tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Aurora, kasama ang ilang mga nasa private sector upang ikampanya sa mga mamamayan ang ukol sa pagpaparehistro at sa mga dati nang botante ang ukol sa pagpapa-biometrics. Layunin ng isinagawang motorcade na ipaunawa sa mga botante na kapag hindi pa sila nakapagpa-bometrics ay hindi sila makaboboto sa eleksiyong isasagawa sa […]

COMELEC-Pangasinan umapila sa mga botante na magpa-biometrics na

AGOSTO 10 (Agila Probinsya) — Wala pa umano sa pitong porsyento ang nakakapagpa-biometrics sa bayan ng Binmaley, Pangasinan. Kaya naman umaapila ang lokal na tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) roon sa mga botante na wala pang biometrics registration na magtungo na sa kanilang tanggapan. Sa tala ng COMELEC Binmaley, nasa 6.38 percent pa lamang ang nagkapagpa-biometrics sa nasabing bayan. Nagpaalala ang ahensya na ang deadline ng pagpaparehistro ay hanggang sa October 31 na lamang. […]