Provincial News

SCAN International ng Capiz at Laguna Chapter, nagsampa ng kasong libelo laban kay Menorca II

Naghain na rin ng kasong libelo ang SCAN International Capiz Chapter sa itiniwalag na miyembro ng Iglesia Ni Cristo na si Lowell Menorca II. Bukod dito, nagsampa na rin ng kaso ang mga miyembro ng SCAN Internationa sa lalawigan ng Sta. Cruz, Laguna laban kina Lowell Menorca at Eliodoro “Joy” Yuson. Kaugnay ito ng malisyosong pahayag ni Menorca at Yuson patungkol sa mga miyembro ng SCAN International. (Agila Probinsya Glenn Bautista, Ben Salazar, Nathaniel Flores)

Unity Walk ng Iglesia Ni Cristo, isinagawa sa Bohol

Nagsagawa ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ng Unity Walk sa lalawigan ng Bohol. Kaugnay ito ng paghahanda sa selebrasyon ng pagsapit ng Distrito Eklesiastiko ng Bohol sa ika-60 anibersaryo nito sa pagkakatatag bilang isang distrito. Layunin din ng aktibidad na ito na ipakita ang pagkakaisa at pakikiisa sa pamamahala ng Iglesia Ni Cristo na si Kapatid na Eduardo V. MAnalo. (Agila Probisnya Matt Villegas)

SCAN International-Capiz Chapter, kumuha ng examination sa NTC

Sumailalim sa special amateur exam ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga miyembro ng SCAN International sa lalawigan ng Capiz. Layunin ng nasabing pagsusulit na magkaroon ng lisensya ang nasabing grupo sa paggamit ng two-way radio at upang lalong makatulong sa kapwa sa pamamagitan ng mga sosyo-sibikong gawain. (Agila Probinsya Nathaniel Flores)

SCAN International, nagsagawa ng Emergency First Responders Training Seminar sa Pangasinan

Isang seminar training ukol sa tamang hakbang at pag-responde sa panahon ng emergency ang isinagawa ng mga miyembro ng SCAN International sa lalawigan ng Pangasinan. Layunin ng nasabing aktibidad na makapagbigay ng karagdagang kaalaman t makatulong sa mga kababayan na nalalagay sa hindi inaasahang pangyayari gaya ng kalamidad at aksidente. Umaasa ang kapisanan ng SCAN International na ang naibahagi nilang seminar ay mas lalo pang makapagbibigay ng lalong kaalaman para makatulong sa ating mga kababayan. […]

Higanteng bato, bumagsak sa Camp 7 Kennon Road

Ilang tipak ng bato at isang malaking boulder ang bumagsak sa Camp 7 ng Kennon Road sa Baguio City. Ayon sa Department of Public Works and Higways (DPWH) ang boulder na kasing laki ng dalawang palapag na bahay ay humarang sa isa sa dalawang linya ng Kennon Road. (Agila Probinsya Freddie Rulloda)

Bagong gusaling sambahan at barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo, pinasinayaan

Isang bagong Barangay Chapel ang pinasinayaan sa lalawigan ng Laguna at isa ring gusaling bahay-sambahan naman ang itinayo ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Bool, Leyte. (Eagle News Service Editing by MRFB) Bagong Barangay Chapel ng Iglesia Ni Cristo sa Magdalena, Laguna, pinasinayaan Pinasinayaan ang bagong Barangay Chapel na matatagpuan sa bayan ng Magdalena, lalawigan ng Laguna. Ang pagpapasinaya ay pinangunahan ng tagapangasiwa ng Distrito, si Kapatid na Arnel Nacua. Maaga pa lamang ay […]

Iglesia Ni Cristo, nagsagawa ng Dental Mission at Blood Donation sa Bataan at Palawan

Sa layuning makatulong sa kapwa, nagsagawa ang Iglesia Ni Cristo ng dental mission at  blood donatiuon sa lalawigan ng Bataan at Palawan kung saan maraming mga kababayan natin ang natulungan ng mga nasabing aktibidad. (Agila Probinsya Correspondent Judith Llamera, Eagle News Service Editing by MRFB) Mga Miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Abucay, Bataan, nagsagawa ng Dental Mission Nagsagawa ng isang dental mission ang Iglesia Ni Cristo sa Bonifacio Camacho School, Covered Court sa lalawigan […]

Family Fun Day ng Iglesia Ni Cristo, isinagawa sa Bongabon, Nueva Ecija

Nagsagawa ng Family Fun Day ang hanay ng mga ministro at mangagawa o evangelical workers ng Iglesia Ni Cristo kasama ang kani-kanilang pamilya sa Barangay Tulay na Bato Covered Court, Bongabon, Nueva Ecija. Katuwang sa nasabing aktibidad ang mga miyembro ng Society Communicators and Networks o kilala sa tawag na SCAN International. (Agila Probinsya Correspondent Eman Celestino)