Provincial News

60 estudyante tumanggap ng sertipiko bilang pagtatapos sa DARE Program

TAYUG, Pangasinan (Eagle News) – Nakatapos na ang 60 estudyante ng Agno Elementary School sa kanilang Drug Abuse Resistance Education (DARE) Program sa Brgy. Agno Tayug, Pangasinan. Tumanggap ng sertipiko ang mga Grade 5 at Grade 6 na mag-aaral ng nasabing paaralan bilang katunayan ng kanilang pagtatapos. Ang DARE ay programa  sa ilalim ng Philippine National Police (PNP). Nagsimula ito noong October 5 at natapos noong December 9. Layunin ng DARE Program na maipaalam sa mga […]

Lingap-Pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo isinagawa sa Tayug, Pangasinan

TAYUG, Pangasinan (Eagle News) – Nagsagawa ng Lingap-Pamamahyag ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Tayug, Pangasinan noong Biyernes (Diyembre 9) ng gabi. Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga Salita ng Diyos. Pagkatapos ng pagtuturo ay namahagi naman sila ng goody bags na may lamang bigas, noodles at delata. Ayon kay Gng. Florinda Nesperos, isa sa naging panauhin na nabigyan ng goody bag, nagpapasalamat siya dahil may ogranisayong pangrelihiyon na tulad ng INC na […]

Pamimigay ng bigas sa 4Ps beneficiaries, hindi tuloy – DSWD

Eagle News – Sa year-end conference sa Boracay kamakailan lamang, kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na hindi maibibigay ngayong 2016 ang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na 20 kilo ng bigas na ibibigay sa bawat benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. Kaugnay nito, ayon kay Beverly Salazar, focal person ng 4Ps, patuloy pa rin umanong inaalam ng DSWD central office kung bigas ba o cash na lamang ang […]

Concha kay Duterte: “Palayain na ang mga political prisoner”

ILOILO CITY – Dapat na umanong tuparin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangako nito sa nagdaang kampanya nito na pawawalan na ang mga political prisoner ayon sa isang consultant ng National Democratic Front of the Philippines o NDFP. Ayon kay Maria Concepcion “Concha” Araneta-Bocala, consultant ng NDFP sa Visayas at isa sa 19 na consultants ng samahan na pinalaya noong Agosto kaugnay ng nagpapatuloy na peace talks, nasa 430 na political prisoners pa ang dapat […]

Second tranche ng financial assistance, ibibigay na sa mga benepisyaryo kung maisusumite na ang liquidation

Eagle News – Naglabas na ng memorandum na nag-uutos sa mga division at regional offices ng Department of Education na magsumite na ng liquidation requirements upang maibigay na ang ikalawang bahagi ng pondo para sa mga tauhan ng naturang ahensya na nasalanta ng Bagyong Yolanda at ng magnitude 7.2 na lindol sa Bohol. Inisyu ni DepEd Secretary Leonor Briones ang naturang memorandum na naglalayong maibigay na ang financial assistance sa mahigit 45,000 na tauhan ng […]

Pag-apruba sa 2017 Annual Budget ng Cebu, ipinagpaliban

CEBU CITY – Ipinagpaliban ng Cebu City Council ang pag-apruba sa 2017 annual budget ng naturang lungsod. Ito’y kaugnay ng ilang figures na kailangan pa umanong ayusin. Nabatid na nagsumite ang committee on budget and finance ng legislative body ng P6.1-billion proposed annual budget para sa susunod na taon habang ang orihinal na proposed annual budget na isinumite ni Mayor Tomas Osmeña ay P7.2 billion naman. Kaugnay nito, naglaan ng P88 million para sa quick […]

Negrense, Top 5 sa Criminologist Licensure Exam

NEGROS OCCIDENTAL – May bago namang ipinagmamalaki ngayon ang Negros Island Region matapos makamit ng isang Negrense ang isa sa pinakamatataas na ratings sa October 2016 Criminologist Licensure Examination. Nasungkit ni Shenai Juance, 20-anyos, magna cum laude ng La Carlota City Community College at taga-Barangay Gargato, bayan ng Hinigaran, ang ikalimang pwesto sa naturang eksaminasyon sa rating na 89.70. Nagpasalamat naman si Juance sa kaniyang pamilya, mga kaibigan, at mga guro, at higit sa lahat […]

DOLE, nagbabala laban sa lalabag sa WSO sa mga paputok

NEGROS ISLAND REGION – Nagbabala ngayon ang Department of Labor and Employment–Negros Island Region o DOLE-NIR sa mga magpapatuloy pa sa paggawa o pagbebenta ng mga paputok at iba pang uri ng pyrotechnics. Ito’y matapos makatanggap ang ahensya ng mga ulat na ipagpapatuloy pa rin ang paggawa at pagbebenta ng nasabing mga produkto, partikular sa bayan ng Hinigaran, sa kabila ng work stoppage order o WSO na inisyu sa mga manufacturer at retailer nito. Ayon […]

Roro bus na biyaheng El Nido tumaob; mga pasaherong sakay nagtamo ng injury

ROXAS, Palawan (Eagle News) – RORO Bus na biyaheng El Nido ang aksidenteng tumagilid sa National Highway ng San Jose, Roxas, Palawan. Nangyari ang nasabing insidente noong Huwebes, December 8, bandang 4:30 ng hapon. Ayon sa mga nakasaksi mabilis aniya ang takbo ng bus. Dahil sa kurbada at madulas ang daan ay tumaob ang bus. Ayon naman sa driver na nakilalang si Tristan, hindi na umano niya napansin ang kurbadang daan kaya hindi kaagad niya naipreno ang […]

Dump truck sumabit sa kable ng kuryente

IPIL, Zamboanga Sibugay (Eagle News) – Sumabit sa kawad ng kuryente ang likurang bahagi ng isang dump truck sa Bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay. Nangyari ang naturang insidente nitong Biyernes ng umaga, December 9. Sa imbestigasyon napag-alaman na nagkamali ang driver ng dump truck dahil sa halip na kumambyo ito ay tumaas ang gawing likuran ng nasabing sasakyan kaya sumabit sa kable ng kuryente. Dahil sa pangyayari ay hindi muna pinadaanan ang national highway sa gawing […]

Medical Mission, Cash Transfer, at pamimigay ng mga binhi, isinagawa sa Dingalan, Aurora

DINGALAN, Aurora (Eagle News) – Napagkalooban ng libreng serbisyong medical, libreng consultation at check-up, at libreng gamot ang mga mamamayan sa Brgy Ibuna, Dingalan Aurora. Ang programang ito ay sa pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Dingalan, Municipal Health Office, Deseret Mabuhay Foundation, Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Public Health Office. Sa ganitong paraan ay inilalapit na ng lokal na pamahalaan ang tulong medical sa […]

DOST namahagi ng 6 na “STARBOOKS” sa mga paaralan sa Tungawan, Zamboanga Sibugay

TUNGAWAN, Zamboanga Sibugay (Eagle News) – Anim na unit ng Science & Technology Academic and Research-Based Openly Oriented Kiosks (STARBOOKS) ang ipinamigay ng Department of Science and Technology (DOST) sa mga paaralan ng Bayan ng Tungawan, Zamboanga Sibugay. Isinagawa ang turnover ceremony at orientation ng STARBOOKS sa pangunguna ni Brenda Nazareth- Manzano, Regional Director ng DOST kamakailan. Ayon kay Manzano, ang STARBOOKS ay ang kauna-unahang digital library sa Pilipinas. Bawat unit ay may 360 gigabytes. Naglalaman ito ng mga video […]