(Eagle News) — Hindi parin zika virus free ang Iloilo City. Ayon kay Department of Health Region 6 Regional Epidemiologist Dr. Glen Alonsabe, nitong Disyembre ng nakaraang taon, idedeklara na sana bilang zika-free ang lungsod pero may dalawang kaso ulit ng Zika ang naitala rito. Paliwanag ni Alonsabe, maaaring ideklarang Zika-free ang isang lugar kung walang kasong maitatala rito sa loob ng apat na pung magkakasunod na araw. Ang dalawang bagong kaso aniya ay mula […]
Provincial News
2 milyong turista, target sa Boracay ngayong taon
(Eagle News) — Itinaas ng pamahalaang panlalawigan ng Aklan sa dalawang (2) milyon ang kanilang target na turistang bibisita sa isla ng Boracay ngayong 2017. Ito ay matapos na malagpasan ang kanilang target na tourist arrivals noong nakaraang taon na 1.7 milyon. Batay sa datos ng Provincial Tourism Office, umabot sa kabuuang 1,725,483 ang mga turistang nagtungo sa isla ng Boracay nitong 2016. Kasama sa top 10 sa mga turistang nagbakasyon sa isla ay nagmula […]
Mga nabiktima ng paputok sa Albay umabot sa 44
(Eagle News) – Umabot sa 44 ang naging biktima ng paputok sa Albay. Ito ay ayon sa huling datos ng Provincial Health Office ng Albay. Sa kabila ng pagsalanta ng Bagyong Nina sa lalawigan ng Albay at sa matinding kampanya ng Department of Health kontra paputok ay marami pa rin ang naging biktima ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon sa lalawigan. Batay sa naitalang datos, ang Ligao City ang may pinakamataas na bilang ng […]
Hepe ng Pagadian City Police nasibak matapos magpatupad ng muzzle taping
(Eagle News) — Nasibak sa puwesto ang hepe ng Pagadian City Police matapos magpatupad ng muzzle taping sa baril ng mga pulis na kanyang nasasakupan. Ang muzzle taping o paglalagay ng masking tape sa dulo ng baril ng mga pulis ay nakaugalian ng tradisyon ng Philippine National Police para masigurong walang pulis na magpapaputok ng baril sa panahon ng holiday season. Ayon kay Zambonga Del Sur Police Director Senior Superintendent Sofronio Ecaldre si Superintendent Michael […]
Special investigation task group kaugnay ng pagsabog sa Hilongos, Leyte binuo
(Eagle News) — Bumuo na ng Special Investigation Task Group ang PNP Region 8 para sa mabilis na imbestigasyon sa naganap na pagsabog sa Hilongos, Leyte. Ang Nasabing Team Ay Binubuo Nina PNP Regional Director Chief Supt. Elmer Beltejar bilang Supervisor, Deputy Regional Director Senior Supt Allan Cuevillas Bilang Commander, Leyte Provincial Director Senior Supt. Franco Simborio bilang Assistant Commander, Chief Insp. Ma. Bella Rentuaya bilang Spokesperson at Criminal Investigation and Detection Group Officer-in-Charge Supt. […]
Iglesia Ni Cristo, nilingap ang mga biktima ng Bagyong ‘Nina’ sa Bicol Region
(Eagle News) — Nakarating na sa worst affected areas ng Bagyong Nina sa Bicol Region ang Lingap sa Mamamayan ng Iglesia Ni Cristo sa pakikipagtulungan ng Felix Y. Manalo Foundation. Pati ang mga matinding napinsalang lugar ay nahatiran ng tulong.
2nd Car and Motor Bike Show isinagawa sa Tayug, Pangasinan
TAYUG, Pangasinan (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ng Eastern Pangasinan Riders Club ang 2nd Car and Motor Bike Show sa Plaza ng Tayug, Pangasinan. Ang nasabing aktibidad ay exhibit ng mga motor at kotse na may iba’t-ibang disenyo. Nilahukan pa ito ng mga exhibitor mula pa sa iba’t ibang bayan ng Pangasinan at maging sa mga taga ibang probinsya. Ayon kay G. Mauricio, isa sa mga lumahok na galing pa sa Cabanatuan, Nueva Ecija, ang kaniyang […]
Pangulong Duterte may babala sa mga mananamantala sa calamity fund
(Eagle News) — Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng pamahalaan sa Bicol na mananamantala sa calamity fund. Ayon sa Pangulo siya mismo ang susundo sa mga tiwaling opisyal gamit ang chopper at dadalhin sa Maynila at saka ilalaglag. Binigyang diin ng Pangulo na hindi siya magdadalawang isip na gawin ito sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno. Ang Bicol Region ang isa sa matinding tinamaan ng Bagyong Nina.
Pagnanakaw sa isang tindahan sa Zambo Del Norte huli sa CCTV
POLANCO, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Huli sa CCTV camera ang pagnakaw ng isang lalaki sa tindahan na pagmamay-ari ni Garry Intik Gumanad sa Bayan ng Polanco Zamboanga del Norte. Kitang-kita sa camera ang mukha ng suspek kaya kaagad itong nakilala ng mga awtoridad. Nakilala ang suspek na si Francis Colot Empremiado, 19 taong gulang, binata, residente sa Barangay Anastacio, Polanco, Zamboanga del Norte. Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Polanco PNP, dumaan ang suspek sa […]
Oplan Iwas Paputok ikinakampanya sa Mariveles, Bataan
MARIVELES, Bataan (Eagle News) – Sa nalalapit na pagdiriwang at pagsalubong sa bagong taon ay nakikiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan at ang Lokal na Pamahalaan ng Mariveles sa kampanya ng Department of Health (DOH) at Philippine National Police (PNP) na Oplan Iwas Paputok. Hinikayat ang publiko na masayang salubungin ang pagpasok ng panibagong taon sa pamamagitan panunuod ng firework display sa kanilang lugar. Sa Mariveles ay nagtakda ang lokal na pamahalaan ng lugar ng magiging […]
Mga awtoridad nagsagawa ng Oplan Sita; flyers sa pag-iwas ng paggamit ng paputok ipinamahagi
MILAGROS, Masbate (Eagle News) – Nagsagawa ng Oplan Sita o Check Points at namahagi rin ng Flyers ang Philippine National Police (PNP) sa Milagros, Masbate. Pinangunahan ito ni PCInsp Leus Anselmo Prima. Isinagawa nila ang ganito paraan upang paalalahanan ang mga motorista sa pag-iingat sa pagmamaneho. Namahagi rin ng flyers na nagpaaalaala sa pag-iwas ng paggamit ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon. Ito ay kampanya na rin ng mga awtoridad sa programang Project Barrel […]
Iglesia Ni Cristo nagsagawa ng lingap para sa mga nasalanta ng Bagyong Nina
ALBAY (Eagle News) – Agad ng nagsagawa ng lingap ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo pagkatapos manalasa ng Bagyong Nina. Isinagawa nila ito sa Bayan ng Tabaco, Bacacay, Tiwi, Labnig, Malilipot, at Malinao, Albay. Umaabot sa 2,250 bags na lingap ang naipamahagi noong Martes, December 27. Labis naman ang katuwaan ng mga nakatanggap ng nasabing tulong ng Iglesia Ni Cristo.





