(Eagle News) — Suportado ng Sangguniang Panlungsod (SP) ng Iloilo City ang panukalang pagpapatupad ng gun ban para sa ASEAN Summit ngayong Marso.
Provincial News
Sulu Sea mapanganib para sa commercial vessels – IMB
(Eagle NewS) — Dahil sa tumataas na banta ng kidnapping incidents, pinayuhan ng Malaysian based piracy watchdog na International Maritime Bureau (IMB) ang mga commercial vessels na iwasang dumaan sa Celebes at Sulu Sea. Sa report ng IMB, mapanganib para sa mga commercial vessels na dumadaan ang Sulu Sea. Ang Celebes at Sulu Sea ay nasa pagitan ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia. Ayon sa IMB, noong nakaraang taon lamang, 15 insidente ng kidnappings ang naitala […]
Makabagong makinaryang pangsakahan ipinamahagi sa Isabela
RAMON, Isabela (Eagle News) – Pinangunahan ni Vice Mayor Melvin G. Cristobal at Municipal Agriculturist, Ismael Vinoya ang pamamahagi ng mga makabagong makinaryang pangsakahan sa bayan ng Ramon, Isabela. Sampung (10) bagong Mechanical Rice Transplanter at dalawang (2) tractor na kumpleto na ang accessories ang ipinamahagi sa mga beneficiary. Ang proyektong ito ng Municipal Agriculturist Office ay mula sa BUB o Bottoms up Budget ng National at 20% Economic Development Fund ng Local Government. “Malaking Biyaya […]
Skills Training para sa drug surrenderees inilunsad sa Dipolog City, Zamboanga del Norte
DIPOLOG CITY, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Inilunsad ang isang Skills Training para sa mga kababayan nating drug surrenderees sa Dipolog City, Zamboanga del Norte. Sa isinagawang launching ay dumalo dito ang surrenderees na mula sa iba’t-ibang barangay. Kasama rin ang kanilang mga barangay official. Layunin ng naturang skills training na maipagpatuloy ang recovery process ng mga surrenderee para matulungan ang mga partisipante na magbagong-buhay. Mabigyan din ang mga ito ng marangal na trabaho […]
Ilang Barangay sa Gubat, Sorsogon nakaranas ng pagbaha dahil sa Bagyong Auring
GUBAT, Sorsogon (Eagle News) – Nakaranas ng pagtaas ng tubig ang ilang barangay ng Gubat, Sorsogon particular na ang Barangay San Ignacio dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan dala ng Bagyong Auring. Bagamat maaari pang madaanan ang mga lansangang lumubog sa baha ay pinalikas na ng Local Government Unit ang mga residente. Ito ay upang maagapan ang anumang maaaring panganib kung patuloy na tataas ang tubig. Sa kasalukuyan ay binabantayan ang kalagayan ng […]
Davao City, handa na para sa ASEAN 2017
(Eagle News) — Handa na ang inilatag na seguridad ng Philippine National Police Region 11 para sa seguridad ng mga dadalo sa opisyal na paglulunsad ASEAN 2017 sa Davao City kung saan ang pilipinas ang magsisilbing host sa taong ito.
Temperatura sa Baguio City, umabot sa 11.5 degree celsius
(Eagle News) — Naitala ang 11.5 degree Celsius na antas ng temperatura ngayon sa Baguio City. Ayon sa PAGASA, asahan na mas lalamig pa ang panahon kapag umabot sa peak ang amihan pagsapit ng huling linggo ng Enero at unang linggo ng Pebrero Ramdam rin ang malamig na panahon sa Metro Manila na umabot sa 19 degree Celsius. https://youtu.be/zTSu-hiLAJ4
Alert level 3 idineklara sa Surigao City
(Eagle News) — Idineklara na ni Vice Mayor Alfonso Casurra Vice Chairman ng City Disaster Risk Reduction and Management Council ang Alert Level 3 sa Surigao City. Ito ay dahil sa walang tigil na pag-ulan kung saan naitala ang 34.2 millimeter kada oras na buhos ng ulan. Dahil rito, suspendido na ang klase sa lahat ng antas sa buong lungsod. Nagpapatupad na rin ng force evacuation para sa mga lugar na prone sa pagbaha at […]
‘Enchanted River’ na kilalang tourist Destination sa Surigao del Sur pansamantalang isasara
HINATUAN, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagsagawa ng inspeksiyon ng lokal na Pamahalaan ng Hinatuan sa ‘Enchanted River’ sa Surigao del Sur. Bago pa man ito pansamantalang ipasasara sa mga turista ngayong darating na January 9 – February 3. Sa pagbisita ng lokal na Pamahalaan ay tinalakay nila kung anu-ano ang mga magiging top priority project nila sa lumalaking demand ng mga turista sa lugar. Ang isa sa mga pinaplanong gawin ng LGU-Hinatuan ay […]
43 preso na nakatakas sa North Cotabato District Jail balik bilangguan, 105 hinahanap pa
(Eagle News) — Balik-kulungan na ang apatnapu’t tatlong (43) preso na kabilang sa isang daan at limampu’t-walong (158) bilanggong una nang nakatakas mula sa North Cotabato District Jail. Ayon kay Provincial Police Director Senior Superintendent Emmanuel Peralta, 43 sa mga inmates ay nahuli habang walo ang napatay at dalawa naman ang malubhang nasugatan at kasalukuyang nasa ospital. Dahil rito, isang daan at limang (105) inmates pa ang nananatiling pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad.
Oplan galugad isinagawa sa Ipil District Jail
IPIL, Zamboanga Sibugay (Eagle News) – Nagsagawa ng Oplan-Galugad ang Ipil District Jail na pinamumunuan ni Jail Supt Allan Vargas sa bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay. Pinagsamang puwersa ng provincial police, K9 ng PPO at Provincial Public Safety Company ang search operation na isinagawa sa labing-isang (11) selda nito. Ayon kay Vargas, mga minor lamang na ipinagbabawal na gamot o kontrabando gaya ng kutsara, tinidor, pako, shaver, at panlinis ng kuko ang nakuha mula sa mga […]
Bagong tourist attraction ng Bislig City, Surigao del Sur patuloy na dinarayo
BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Isa sa mga dinarayong bagong tourist attraction ngayon sa Bislig City ay ang floating resort na matatagpuan sa Brgy. Caguyao, Bislig City, Surigao del Sur. Dinarayo ito hindi lamang ng mga lokal na turista kundi maging ng mga dayuhan na hangang-hanga sa disenyo na tatak Pinoy. Bakas sa mga mukha ng mga turistang nagpupunta sa nasabing lugar ang kasiyahan. Na-i-enjoy nila ang malinaw na tubig ng dagat, sariwang hangin, […]





