(Eagle News) — Nakataas parin ang red tide alert sa Carles, Iloilo. Batay sa inilabas na bulletin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), positibo parin sa mataas na level ng paralytic shellfish toxins ang mga shellfish mula sa Gigantes Island. Kaugnay nito, pinagbawalan ng BFAR ang mga residente na manguha, magbenta o kumain ng mga shellfish at alamang mula sa nasabing isla. Sinabi naman ng bfar na ligtas kainin ang mga isda, pusit, […]
Provincial News
Nahuling malaking pawikan ibinalik na sa dagat
ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Isang malaking pawikan o sea turtle ang aksidenteng nahuli ng isang mangingisda, na si Jerry Torres noong madaling araw ng Huwebes, January 26 sa baybayin ng Ormoc City, Leyte. Ayon sa salaysay ni Jerry, bigla aniyang sumabit ang pawikan sa kaniyang lambat kaya ito nahuli. Agad naman niya itong dinala sa Bureau of Fisheries & Aquatic Resources (BFAR). Ayon kay Irish Belmonte, staff ng BFAR-Ormoc, ang nasabing pawikan ay maituturing na endangered na dahil […]
Paninigarilyo, isa sa mga sanhi ng cancer – DOH
ZABOANGA SIBUGAY (Eagle News) – Nagsagawa ng media forum ang Department of Health (DOH) sa kasagsagan ng National Cancer Consciousness Week sa Ipil, Zamboanga Sibugay. Ito ay upang maipalaganap ang kaalaman tungkol sa sakit na cancer at kung papaano ito maiiwasan. Layunin ng DOH na maging katuwang ang media sa pagbibigay sa publiko ng tamang impormasyon tungkol sa sakit na ito. Sa presentasyon ng DOH na inilahad ni Romelia Heraldo, DMO IV – DOH Sibugay, sinasabing […]
Illegal fish pen sa Laguna lake sinimulan nang baklasin
LAGUNA (Eagle News) – Sinimulan na ang pagbabaklas ng mga illegal fish pen sa Laguna Lake noong Huwebes ng umaga, January 26. Una nang sinimulan ang paggiba ng mga baklad sa Binangonan, Rizal. Ito ay isinagawa ng Philippine Army, NBI, Coast Guard, PNP at Laguna Lake Development Authority sa pangunguna ng mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Ang sapilitang pag-aalis ng mga illegal fish pen sa lawa ay alinsunod sa kautusan ng Pangulong Rodrigo […]
Paggamit ng iodized salt muling isinusulong ng DOH
ZAMBOANGA SIBUGAY (Eagle News) – Muling pinaiigting ng Department of Health (DOH) ang kampanya nito sa paggamit ng iodized salt. Ito ay may temang “Goiter Sugpuin, Isip Patalinuhin, Iodized Salt Gamitin”. Layunin nito na matugunan ang iodine deficiency ng mga Pilipino partikular ng mga batang nasa elementarya. Ayon kay Chrystal Intal, resource speaker ng DOH, kailangang may sapat na iodine intake araw-araw. Ito aniya ay inirerekomenda nila hindi lamang sa mga tao kundi maging sa mga […]
Biñan City, Laguna kinilala bilang Best Performing CAIDSOTG (Component City) 2016
BIÑAN CITY, Laguna (Eagle News) – Kinilala ng Laguna Police Provincial Office ang Biñan City Police Station bilang Best Performing CAIDSOTG (Component City) para sa taong 2016. Ito ay dahil sa pagsusumikap, aktibong partipasyon at sa matagumpay na pagsasagawa ng Anti-illegal Drugs Operations patungkol sa Supply and Demand Reduction. Ang nasabing parangal ay ipinagkaloob sa Binan City Police Station na pinangunahan ni Mayor Walfredo Reyes Dimaguila, Jr.. Isinagawa ito sa Laguna Police Provincial Office (LPPO) Brgy. Bagumbayan, Sta. […]
Walo pang bayan sa Agusan del Sur idineklarang under state of calamity
AGUSAN DEL SUR (Eagle News) – Idineklara ng Pamahalaang Panlalawigan ng Agusan del Sur ang “state of calamity” dahil sa pinsalang dulot ng mga pagbaha sa nasabing probinsiya. Ito ay dala ng tail end of cold front noong nakaraang linggo at matinding pag-ulan na patuloy na nananalasa sa malaking bahagi ng Mindanao. Mayroong ng 8 Munisipyo sa Agusan del Sur ang naunang nagdeklara ng state of calamity, ito ay ang sumusunod: San Luis Esperanza Loreto La Paz […]
Health Card and Medical Services para sa PNP Biñan, inilunsad
BIÑAN CITY, Laguna (Eagle News) – Inilunsad ng Jonelta Foundation sa Biñan City, Laguna ang Health Card and Services Programs kamakailan para sa mga personnel ng Philippine National Police (PNP)-Biñan. Pinangunahan ito ni Dra. Anna Noreen Antoinette P. Tamayo, Director ng Jonelta Foundation. Kasama rin ang mga Medical Social Worker at sa pakikiisa ni PSupt. Serafin Petallio II acting Chief of Police ng Biñan PNP. Layunin nito ay upang matulungan ang mga pulis sa kanilang Health and […]
Mas mahigpit na seguridad ipatutupad sa Boracay dahil sa ASEAN Summit
(Eagle News) — Asahan na ang mas mahigpit na seguridad na ipapatupad sa isla ng Boracay. Ito ay dahil sa tatlong ASEAN Summit Meetings na gagawin sa isla sa susunod na buwan. Ang 23rd meeting ng ASEAN Intergovernmental Commission on Human Rights ay gagawin sa Pebrero 13 hanggang (15); habang ang Asean Ministerial Meeting Retreat Naman ay gagawin sa Pebrero 19-21; at ASEAN Committee On Migrant Workers Meeting sa Pebrero 20-22. Ayon kay Aklan Police […]
Ilan pang lugar sa Davao Region nasa state of calamity na
(Eagle News) — Nadagdagan pa ang bilang ng mga lugar sa Davao Region na isinailalim sa state of calamities dahil sa nagpapatuloy na pag-ulan at pagbaha. Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Davao Information Officer Mc Adrian Nolive Cobero, maliban sa Carmen Davao Del Norte, isinailalim na rin sa state of calamity ang bayan ng Malita sa Davao Occidental; Tagum City at munisipalidad ng Boston at Cateel sa Davao Oriental. Ayon sa OCD Davao, […]
Limang bayan sa Capiz idineklarang drug-free
(Eagle News) — Umabot na sa limang bayan sa Capiz ang idineklarang drug free. Ito’y matapos nakumpleto ng mga bayan ng Cuartero, Dumalag at Dumarao ang mga kinakailangang requirements para maideklarang cleared na sa iligal na droga ang kanilang bayan. May inilaang livelihood program naman ang mga lokal na pamahalaan sa mga nasabingbayan para matulungan ang mga drug surrenderee na magbagong buhay. Matandaan na unang nagdeklara na drug free ang mga bayan ng Mambusao at […]
Gawaing pagpapalaganap ng Iglesia Ni Cristo sa Masantol, Pampanga East nagbunga ng pagtatagumpay
MASANTOL, Pampanga (Eagle News) — Ilang linggo matapos ilunsad ng Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo ang kilusan na naglalayon na isulong ang ikapagtatagumpay ng lahat ng mga gawain ng INC, ay matagumpay na naisagawa ang Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos sa lokal ng Masantol, Distrito Eklesiastiko ng Pampanga East. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga masisiglang Maytungkulin mula sa mga lokal ng Masantol, Palimpe, Bebe Matua, Macabebe at San Vicente na kapwa kabilang […]





