Provincial News

Tatlong tourist destination ng Pilipinas, tampok sa The New York Times Travel Show

(Eagle News) — Tampok ang tatlong pinaka-popular na tourist spots sa bansa sa “The New York Times Travel Show”. Kabilang dito ang Boracay, Palawan at Cebu sa 2016 Reader’s Choice Awards ng Condé Nast’s Traveler. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), maraming panauhin sa travel show ang nag-tanong ukol sa Palawan dahil sa reputasyon nito bilang International island resort at dahil sa Puerto Princesa under-ground river. Ang New York Times Travel Show ay isang […]

Mahigit 300 na bagong PNP Recruits sa Davao, nanumpa na

DAVAO CITY (Eagle News) – Mahigit 300 na panibagong batch ng Police Regional Office 11 recruits ang nanumpa upang magsilbi at protektahan ang bayan. Isinagawa ang panunumpa noong Miyerkules, Pebrero 1 sa PRO 11 Camp Quintin Merecido, Davao City. Ang ahensya ay may quota na 600 recruits upang mapuno ang Calendar Year 2017 Attrition Recruitment Program Phase 1. Subalit 389 lamang ang nakapasa sa standard qualifications na kung saan 120 ang babae at 269 naman ang […]

Pagbabantay kontra illegal logging, mas pinaigting

QUIRINO PROVINCE (Eagle News) – Naglagay ang Provincial Natural Resources and Environment ng mga mobile checkpoint sa lalawigan ng Quirino. Isa sa nilagyan nito ay ang Brgy. Burgos, Cabarroguis, Quirino. Ito ay bilang suporta sa itinatag na Provincial Anti-Illegal Task Force. Layunin ng ahensiya na mahuli ang mga nagbibiyahe ng mga ipinagbabawal na produktong pangkagubatan na walang kaukulang permiso tulad ng mga troso, lumber maging ang mga inuling na punong kahoy at iba pang kaugnay nito. Ang […]

Carrascal-PNP ng Surigao del Sur nagsagawa ng school visitation

CARRASCAL, Surigao Del Sur (Eagle News) – Patuloy ang pagsasagawa ng school visitation ng Philippine National Police (PNP-Carrascal) sa pangunguna ni PSI James Allen Dogao. Ang isa sa huli nilang binisita ay ang Carrascal Central Elementary School. Sa kanilang pagbisita ay tinalakay nila sa mga mag-aaral ang ukol sa masamang ibubunga ng pagkagumon sa alak at iligal na droga. Hindi lamang aniya sa kaisipan at katawan kundi maging sa kinabukasan ng sinoman. Ang pagtalakay nila ay tinawag […]

Birthday gift-giving para sa mga senior citizen, sinimulan na

DINGALAN, Aurora (Eagle News) – Sinimulan na noong Martes, Enero 31 ang pamamahagi ng regalo ng lokal na Pamahalaan ng Dingalan, Aurora para sa mga Senior Citizen sa bawat Brgy. sa buong bayan. Ang ganitong paglingap sa kanila ay nakatakdang isagawa tuwing matatapos ang bawat buwan para sa lahat ng magdiriwang ng kaarawan na Senior Citizen. Ang mga regalo ay mula sa I.R.A. ng bayan at sa pakikipagtulungan ng DSWD. Tuwang-tuwa naman ang mga lolo at […]

27 na bihag hawak pa rin ng Abu Sayyaf sa Sulu – WESMINCOM deputy commander

ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Ibinunyag ng bagong Commander ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilalim ni Western Mindanao Command (WESMINCOM) Major General Carlito Galvez, Jr., na nasa 27 pang mga bihag ang hawak pa rin ng bandidong Abu Sayyaf sa Sulu. Ayon pa sa Heneral, pahirapan aniya ang kanilang operasyon sa naturang Isla ng Sulu laban sa mga bandidong grupo lalo na at ilan sa mga residente ay ayaw nang makipagtulungan sa mga […]

Butuan City nasa ilalim na ng state of calamity

BUTUAN CITY, Agusan del Norte (Eagle News) – Aprubado na ng Sangguniang Panglungsod ng Butuan City ang rekomendasyon ng CDRRMC council na ipailalim na sa state of calamity ang nasabing lalawigan. Ayon kay Vice Mayor Jose Aquino II, magagamit ng gobyerno ang 5% ng calamity funds para sa restoration, rehabilitation at relief purposes. Tinatayang nasa 32,443 pamilya mula sa 39 barangay ng Butuan ang apektado ng baha. May 6,093 na pamilya naman ang sa kasalukuyan ay nasa mga […]

Blood letting sa Surigao del Norte matagumpay na naisagawa

SURIGAO DEL NORTE (Eagle News) –  Matagumpay na naisagawa ang Blood Letting na proyekto ng Lokal na Pamahalaan ng Surigao del Sur at Caraga Regional Blood Bank. Idinaos ito sa Provincial Convention Center noong Lunes, Enero 20. Ang nasabing aktibidad ay may temang “Share life, Give Blood.” Pinangunahan ni Vice Governor Arturo Carlos Egay, Jr., ang pag-do-donate ng dugo at ng mga empleyado sa lalawigan. Umabot sa 28 bags ang nakolektang dugo, mayroon namang 14 deferred dahil […]

Mas mahigpit na seguridad sa Davao City pinatutupad para sa ASEAN meetings

(Eagle News) — Mas mahigpit na seguridad ang pinaiiral ngayon sa Davao City para sa 23rd ASEAN meetings. Kaugnay nito, umapila naman si Region 11 Police Director Manuel Gaerlan, sa publiko na makipag-ugnayan sa mga awtoridad na makipag-ugnayan sakaling may mga makitang iregularidad at kakaiba sa paligid. Inaasahang aabot sa mahigit isang daang foreign at local delegates ang magtutungo ngayon sa lungsod para sa ASEAN meetings. Simula kahapon, nasa humigit kumulang isang libo at limang […]

ASEAN kiosk, binuksan na sa Zamboanga City International Airport

ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Pormal ng binuksan sa Zamboanga City International Airport ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Kiosk. Ito ay upang makapagbigay ng kaalaman sa mga pasahero ng eroplano ukol sa iba’t-ibang kultura ng bawat bansa ng Asya. Mismong  si Presidential Communication Secretary Martin Andanar ang nanguna sa pagpapasinaya noong Sabado, Enero 28 sa naturang proyekto ng Philippine Information Agency (PIA) Regional Office-9. Ayon kay Andanar, sa pamamagitan ng mga nakalatag na babasahin at […]

Ilang magsasaka sa Ormoc City nakatanggap ng farming machinery

ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Umaabot sa 22 magsasaka ang nakinabang sa ipinamahaging farming machinery na mula sa iba’t ibang Farmers Association ng Ormoc City. Ang pamamahagi ng nasabing kagamitan ay pinangunahan ni Ormoc City Mayor Richard I. Gomez. Dinaluhan din ito nina Councilor Tommy Serafica, officer-in-charge ng Committee on Agriculture, Councilor Vincent Rama, at mga taga-LGU Ormoc. Ang mga ipinamahaging gamit pangsaka ay tulad ng mga sumusunod; 16 units na water pumps 1 corn sheller 1 unit […]

Abu Sayyaf suspek na konektado sa Sipadan hostage taking, arestado sa Zamboanga City

  ZAMBOANGA City (Eagle News) — Arestado ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group na konektado diumano sa  Sipadan hostage-taking noong taong 2000, sa Barangay Cawit sa Zamboanga City, nitong Biernes ng madaling araw (Enero 27, 2017). Mahigit na 16 na taon nga pagkatapos ng controversial na kidnapping incident na naging malaking balita noon sa buong mundo, ay naaresto na ang hinihinalang Abu Sayyaf suspect na kinilala bilang si Faizal Jaafar alias Jaafar Mundi. Kilala […]