Provincial News

Pagbaha at landslide patuloy na nararanasan sa Sarangani Province

KIAMBA, Sarangai Province (Eagle News) – Nakaranas ng matinding pagbaha ang bayan ng Kiamba at Maitum noong Huwebes, Marso 9 dahil sa malakas at magdamag na pag-ulan. Umapaw ang ilog at pinasok ng tubig ang mga kabahayang malapit dito. Sa Maitum ay umapaw din ang mga drainage at inabot din ng pagbaha ang mga bahay na malapit dito. Isa na ang naiulat na nasawi dahil sa malakas na agos ng tubig-baha. Madaling araw ng Huwebes ay […]

Basilan binulabog ng IED na pinasabog sa poste ng kuryente

LAMITAN, Basilan (Eagle News) – Muling binulabog ng isa na namang pagsabog ang mga residente ng Lamitan, Basilan noong Miyerkules ng gabi, Marso 8 bandang 12:00 ng hating gabi. Hinihinalang isang improvised explosive eevice (IED) ang itinanim at pinasabog sa isang poste ng kuryente sa kanto ng J. Pamaran at Aguinaldo St., Brgy. Matatag, Lamitan, Basilan. Wala namang nasugatan o namatay sa nasabing insidente. Sa kasalukuyan ay hindi pa matiyak kung anong grupo ang nasalikod ng […]

Fire Prevention and Earthquake Preparedness Seminar isinagawa sa Binalonan, Pangasinan

BINALONAN, Pangasinan (Eagle News) – Tuwing buwan ng Marso ay isinasagawa ang “Fire Prevention Month” ayon sa RA 6975. Kaya bilang pakikiisa ay isinagawa ng San Felipe National High School, Binalonan, Pangasinan ng programa na pinamagatang “Fire Prevention and Earthquake Preparedness”. Ito ay may temang “Buhay at Ari- arian ay pahalagahan, Ibayong pag-iingat sa sunog ay sa sariling pamayanan simulan”. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga representante mula sa Binalonan Bureau of Fire Protection (BFP). Kung saan tinuruan […]

“We Make Change Work for Women,” isinagawa sa Meycauayan, Bulacan

MEYCAUAYAN, Bulacan — Pinangunahan ni Mayor Henry R. Villarica katuwang ang kanyang maybahay na si Congress woman Linabelle Ruth R. Villarica ang pagdiriwang ng Araw ng Kababaihan na may temang “We Make Change Work for Women” kung saan ito’y dinaluhan ng mga kababaihan galing sa iba’t ibang bahagi ng Lungsod ng Meycauayan. Bilang pakikiisa sa nasabing pagdiriwang naghandog ng mga iba’t ibang gawin gaya na lang ng zumba na ginawa sa Meycauayan Commerical Complex. Pagkatapos […]

Dalawang pawikan na natagpuan sa isang hukay, ibinalik na sa karagatan

STA. MARIA, Romblon (Eagle News) – Nasagip ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng Romblon ang dalawang pawikan sa bayan ng Sta. Maria noong Martes ng umaga, March 7. Ang nasabing pawikan ay nakuha sa isang hukay malapit sa dalampasigan ng Sitio Tuburan, Brgy. Concepcion Norte, Sta. Maria, Romblon. Ayon kay Benito Largueza na pansamatalang nag-alaga ng nasabing mga pawikan, nakita aniya niya ang mga ito sa […]

National Women’s Month ipinagdiwang sa Roxas City, Capiz

ROXAS CITY, Capiz (Eagle News) – Nakipagkaisa sa pagdiriwang ng National Women’s Month ang Roxas City. Ang kanilang selebrasyon ay isinagawa sa Roxas City Plaza na pinangunahan ng Gender and Development (GAD) Focal Point System. Sa taong ito ang tema ng pagdiriwang ay “We make Change Work for Women”. Naglalayon ito na isulong ang adbokasiya laban sa pananakit sa mga kababaihan sa lungsod. Bilang bahagi ng pagdiriwang ay nagsagawa ng walking at jogging na nagsimula sa Roxas […]

4 na pulis patay sa ambush sa Bansalan, Davao, isa pa sugatan

BANSALAN, Davao del Sur (Eagle News) – Apat na pulis ang namatay at isa ang sugatan sa nangyaring ambush nitong Miyerkules ng umaga, March 8 sa Barangay Sibayan, Bansalan, Davao del Sur. Ayon kay PCI Adrian Antonio, Hepe ng Bansalan Philippine National Police, sila ay inambush ng pinaniniwalaang grupo ng mga New People’s Army (NPA) sa nabanggit na lugar. Ang mga biktima ay kinilalang sina PO1 Rolly Benelayo, PO1 Joe Narvaza, at PO1 Saro Mangutara na pawang […]

Coastal clean up drive sa Manila Bay, matagumpay na naisagawa

METRO MANILA, Philippines (Eagle News) – Nagsagawa ng coastal clean up drive kamakailan ang dalawang grupo ng NGO sa tabi ng US Embassy. Layunin ng grupo na mapangalagaan ang Manila Bay. Maaga pa lang ay nagtipun-tipon na ang mga kasapi ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) at Motorcycle Riders Againts Crimes (MRAC) para pagtulungang linisin ang tabing dagat ng Roxas Boulevard. Makikita ang kahandaan ng mga dumalo dahil nagsuot sila ng bota at hands glove, may dala rin […]

4 na hinihinalang miyembro ng NPA, patay sa sagupan sa Quezon

SAN ANDRES, Quezon (Eagle News) – Patay ang apat na katao mula sa hinihinalang miyembro ng National People’s Army matapos ang sagupaan sa miyembro ng 85th Infantry Battalion ng Philippine Army. Nangyari ang nasabing insidente bandang 4:00 ng hapon nitong Martes, March 7 sa Sitio Umagos, Brgy. Camflora, San Andres, Quezon. Sa inisyal na impormasyon apat ang napatay sa panig ng mga rebelde. Apat din na matataas na kalibre ng baril ang nakuha sa mga rebelde, isa […]

Five arrested in S. Kudarat for violation of forestry law

(Eagle News) — Five people in Sultan Kudarat were arrested after they were caught in possession of products from “naturally grown” trees in violation of the forestry law. The National Bureau of Investigation environmental crime division arrested Vivencio Necesito Jr., Ramel Castracion, Sonny Oriel, Jerry Paglomutan and Wilfredo Pableo after they failed to produce environmental permits for their furniture shops, which housed narra, mahogany, yakal, lavan, ipil ipil, dao, lamud and mariapa products. The NBI […]

Clean up drive inilunsad sa Orani, Bataan

ORANI, Bataan (Eagle News) – Inilunsad sa bayan ng Orani, Bataan ang clean-up drive kaalinsabay ng ika-120 anibersayo nito. Pinangunahan ito ni Mayor Efren Bonjong Pascual, Jr. at ni Vice Mayor Godofredo Galicia, Jr. Kasama rin nila ang Sanguniang Bayan Members at sa pakikipagtulungan naman ng Municipal employees, national Agencies, mga estudyante, senior citizens at mga Non-government Organizations. Nagtulong-tulong ang mga dumalo sa paglilinis sa paligid ng Munisipyo at karatig Barangay. Ayon kay Mayor Bonjong Pascual kung […]

Proyektong “Save a life, Learn CPR,” isinagawa sa Olongapo City

OLONGAPO CITY, Zambales (Eagle News) – Nagsagawa ng National Mass Training for Cardio Pulmonary Resuscitation ang Philippine Heart Association at Council on Cardio Pulmonary Resuscitation noong Lunes, March 6 sa isang Mall sa Subic Bay Freeport Zone. Ito ay may temang “Save a life, Learn CPR.” Dinaluhan ito ng iba’t ibang sektor tulad ng mga nasa medical field, kapulisan, mga guro sa pribado at pampublikong paaralan at ilang mga estudyante. Ang lecture ay pinangunahan ni Dr. Marietta […]