Provincial News

President Duterte, muling bumisita sa Marawi City

(Eagle News) — Muling bumisita kahapon, Oktubre 1, si Pangulong Rodrigo Duterte sa Marawi City. Ito na ang ika-anim na pagbisita ng Pangulo sa Marawi mula nang magsimula ang kaguluhan sa nasabing lungsod. Ayon sa Palasyo, pinangunahan ng Pangulo ang inagurasyon ng Bahay Pag-asa para sa paglilipat ng mga tahanan ng mga naapektuhang residente. Pawang umaasa naman sina Pangulong Duterte at Defense Secretary Delfin Lorenzana na matatapos na ang krisis sa Marawi bago matapos ang […]

4 na miyembro ng NPA sa Palawan, sumuko sa AFP Western Command

PUERTO PRINCESA City, Palawan (Eagle News) — Apat na miyembro ng New People’s Army ang sumuko sa Armed Forces of the Philippines sa Palawan kamakailan. Dalawa sa mga sumuko sa Brooke’s Point ay babae na may edad 19 at 16 anyos lamang. Kasabay na ring isinuko ng mga rebelde ang isang M16 rifle, isang M1 Garrand, isang shotgun, at improvised explosive device (IED). Kinondena naman ng  AFP Western Command ang mga rebeldeng grupo dahil sa paggamit […]

Asst. prov’l prosecutor, patay sa pamamaril sa Infanta, Quezon

INFANTA, Quezon (Eagle News) — Dead on the spot sa pamamaril ang assistant provincial prosecutor ng Quezon kamakailan. Kinilala ang biktima na si Raymund Fernandez Luna. Naganap ang pamamaril habang nanananghalian ang biktima sa isang karinderya na pagmamay ari ni Mr. Aldo Tena, sa tapat mismo ng Hall of Justice na nasa Brgy. Pulo, Infanta. Ayon sa inisyal na ulat ng Infanta Municipal Police Office, dalawang unidentified gunman ang gumawa ng krimen at mabilis na […]

Pagbabawal sa paggamit ng cellphones habang tumatawid, ipapatupad na sa Puerto Princesa

PUERTO PRINCESA, Palawan (Eagle News) – Ipapatupad na ngayon sa buong Puerto Princesa City ang isang ordinansa na nagbabawal sa paggamit ng cellphone sa lahat ng mga pedestrian na tumatawid ng kalsada. Ang City Ordinance No. 833 o “Anti-Distracted Crossing Ordinance” na iniakda ni City Councilor Henry Gadiano ay naglalayong madisiplina ang lahat ng mga pedestrian sa lungsod ukol sa tamang lugar at oras ng paggamit ng mga electronic communications equipment, tulad ng cellphone, wireless telephone, […]

Numbering system sa sasakyang pandagat, ipatutupad sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan (Eagle News) – Nakatakdang magpatupad ang Philippine Coast Guard sa buong lalawigan ng Palawan ng numbering system upang masiguro ang seguridad ng mga residente doon. Ang Safety Security and Environmental Numbering System ay ipatutupad sa mga motorized banca at iba pang watercraft vessels sa ilalim na rin ng ibinabang kautusan ng Department of Transportation (DOTr), kung saan nakasaad na dapat maiparehistro ang lahat ng mga uri ng sasakyang pandagat na na nag-o-operate […]

Grupong Bayan-Southern Tagalog, sumugod sa Fernando Air Base

LIPA City, Batangas (Eagle News) — Sumugod sa Fernando Air Base sa Lipa City ang nasa 80 miyembro ng grupong Bayan-Southern Tagalog. Ito ay upang kunin diumano ang ilang mga bangkay na kabilang sa grupo ng New People’s Army (NPA) na namatay sa sagupaan ng makakaliwang grupo laban sa militar noong Linggo sa Mount Banoy na sakop ng Batangas City. Ayon kay Petty Hernandez, tagapagsalita ng grupong Bayan Southern Tagalog, nasa Philippine Air Force ang […]

Mahigit 30 katao sugatan sa pagsalpok ng barko sa isang isla sa Romblon

ODIONGAN, Romblon (Eagle News) — Tatlumpung tao ang sugatan nang sumalpok ang isang barko  sa mabatong bahagi ng isang maliit na isla sa Romblon nitong Martes. Sugatan ang mga pasahero ng  barkong M/V Ma. Matilde ng Montenegro Shipping Lines nang sumadsad ito  sa batuhang bahagi ng maliit na isla na nadadaanan patungong Odiongan kaninang pasado alas-3:00 ng madaling araw. Ang ilan sa mga nasugatan ay nahulog sa mga higaang double deck, ang iba naman ay nadaganan […]

Plane crashes in Romblon sea

(Eagle News) —  A plane crashed off the waters of Romblon on Monday morning. Authorities said the plane crashed 50 kilometers from Tablas Airport. It was still unclear how many were on board the plane, and where the plane came from in the first place. Authorities have yet to locate the plane.  

Planong pambobomba sa Zamboanga City, naharang ng militar; 2 miyembro ng Abu Sayyaf, arestado

ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Naharang ng tropa ng pamahalaan ang planong pambobomba sa Zamboanga City ng dalawang  miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG), na naaresto. Ito ay matapos ikasa ang counter-action ng Joint Task Force Zamboanga at Zamboanga City Police Office laban sa ASG member na si Omar Askali o mas kilala bilang “Ayub” nitong Sabado. Naaresto si Askali sa Governor Lim Ave. bandang alas 10:30 ng umaga. Narekober kay Askali—na kilalang tagasubaybay ni Furuji […]

Ilang mga kalsada at tulay sa Romblon ang nasira dahil sa malakas na buhos ng ulan

ODIONGAN, Romblon (Eagle News) — Binaha ang mga bayan sa probinsya ng Romblon dahil sa halos limang oras na walang tigil na pag ulan ang naranasan dito noong gabi ng Biyernes, September 22. Nalubog sa baha ang ilang barangay sa mga bayan ng Sta Maria, Alcantara, Odiongan at mga barangay sa bayan ng San Fernando, Magdiwang at Cajidiocan na nasa Isla ng Sibuyan, Romblon. Nagresulta ito sa pagkasira ng tulay sa Barangay España sa bayan […]

Nagdulot ng pagbaha sa Bacolod City ang malakas na buhos ng ulan

BACOLOD City, Negros Occidental (Eagle News) — Ilang mga barangay sa Bacolod City ang nakaranas ng pagbaha matapos ang biglaan at malakas na pagbuhos ng ulan noong Biyernes ng gabi. Ang mga commuter ay na-stranded ng ilang oras bago sila makarating sa kanilang destinasyon sapagkat halos hanggang baywang ang lalim ng baha at sa ilang mga baranggay ay halos hanggang leeg ang baha. Ang ilang mga residente ay sinagupa ang baha upang maisalba ang kanilang […]

Kakayahan ng militar sa pag-detect ng IED paiigtingin ng Wesmincom

ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Lalo ngayong paiigtingin ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (Wesmincom) ang kanilang mga kakayahan para ma-detect ang mga improvised explosive device (IED). Sa pagbisita ni Lt. Gen Carlito Galvez sa mga kampo ng sundalo sa area ng Basilan at Sulu kung saan inilulunsad ang mga military operations laban sa mga bandidong grupo, sinabi nitong dapat madagdagan ang mga kaalaman ng mga tropa sa pag-detect […]