Tinatayang nasa P3.3M halaga ng marijuana natimbog sa Agusan Del Sur

(Eagle News) — Isang impormasyon ang natanggap ng Philippine National Police mula sa Baranggay Kasapa 2, Lapaz, Agusan del Sur na mayroong plantasyon ng marijuana sa Kilometer 25 at Kilometer 44 ng Barangay Kasapa 2, Agusan del Sur.

Matapos matanggap ang impormasyon ay kumilos kaagad ang PNP Agusan Del Sur sa pangunguna ni Police Superintendent Marlou L. Martinez, Provincial Director ng PNP Agusan Del Sur.

Pagdating sa lugar ay nadatnan nila ang isang malawak na taniman ng mga marijuana.

Sa pagtataya ng mga otoridad, nasa mahigit 3.3 milyong piso ang halaga ng tanim na marijuana.

Agad namang kinumpiska ang nasabing mga marijuana bilang ebidensiya.

Iniimbestigahan na ngayon ang mga may-ari ng tanim na marijuana at iba pang mga kasama nito para makasuhan.

(Eagle News Agusan Del Sur Bureau Rey Jaboneta)