Tatlong landmines, narekober ng pulisya sa Banga, South Cotabato

(Eagle News) — Narekober ng otoridad ang tatlong landmines sa isang bukid sa Banga, South Cotabato kamakailan.

Ayon kay Supt. Romeo Galgo Jr. ng soccksargen police, nadiskubre ng mga residente ang mga claymore mines sa isang mababaw na hukay na tinabunan ng lupa at mga tuyong damo.

Rumesponde ang mga pulis at bomb experts sa lugar para idispatsa ang mga nasabing bomba na sinasabing itinanim ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA).

Ayon sa pulisya, malakas ang presensya ng NPA sa mga liblib na bahagi ng nasabing lugar.

Matatandaan ding ilang beses ng gumamit ang NPA ng landmines para umatake sa mga sundalo at sibilyan.