Sabtang, Batanes niyanig ng magnitude 4 na lindol

(Eagle News) — Niyanig ng magnitude 4 na lindol ang bayan ng Sabtang sa Batanes.

Naitala ang lindol sa 44 kilometers north west ng Sabtang, alas 9:39 Biyernes ng umaga.

May lalim na 23 kilometers ang lindol at tectonic ang origin ang sanhi nito.

Dahil sa nasabing lindol naitala ang intensity 1 sa Basco, Batanes.

Unang sinabi ng Philippine Institute Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na 3.8 magnitude ang

tumamang lindol pero kalaunan ay itinaas ito sa magnitude 4.

https://youtu.be/Xnt-cnhJBvY