“Ride For A Cause” para sa mga pulis at sundalo, isinagawa sa Zamboanga del Norte

DIPOLOG CITY, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Nagsagawa ng “Ride For A Cause” activity ang United Riders Sportsbikes Alliance (URSA) para sa law enforcers na walang kapaguran sa pagbabantay sa mga kalsada upang masiguro ang seguridad ng bawat lumalabas at pumapasok sa kanilang lugar.

Nasa mahigit 70 riders ang namigay ng mga kape, tinapay, canned goods, biscuits, at iba pa sa mga outpost.

Layunin ng naturang grupo na kahit papaano ay makatulong sa mga awtoridad na nagbabantay sa mga lugar na kanilang dinaanan, lalo na ang medyo may kalayuan sa mga tindahan.

Ayon kay Rhey Davie Magdayao, Vice President ng URSA, saludo rin sila sa mga kapulisan at kasundaluhan na walang sawa sa pagbabantay sa seguridad ng mga mamamayan.

Lady Mae Reluya – Eagle News Correspondent, Zamboanga del Norte