Opening ceremony ng Wardens Cup III ng BJMP sa Balanga, Bataan isinagawa

BALANGA CITY, Bataan (Eagle News) – Isinagawa ang opening ceremony ng Wardens Cup III ng Bureau of Jail Management and Penology Bataan nitong Lunes, April 17. Sinimulan nila ang programa sa pamamagitan ng parada na pinangunahan ng 11 team ng basketball. Sunod na isinagawa ay ang contest para sa tatanghaling Best Muse of the Team.

Karamihan sa mga manlalaro ay mga piling mga preso na may kakayahang maglaro ng basketball. Sumali rin ang judiciary team, at iba pa.

Layunin ng nasabing palarong na magkaroon ng pagkakataon ang mga nasa bilangguan na magkakakilanlan, magkaroon ng magandang pagsasamahan at higit sa lahat para na rin sa kanilang kalusugan. Pangatlong taon na itong proyekto ng Bataan BJMP.

Josie Martinez – EBC Correspondent, Bataan