Malaking sunog sumiklab sa New Society Village, Butuan City

BUTUAN CITY,  Agusan del Norte (Eagle News) – Isang malaking sunog ang nangyari sa may Purok 4 at 5 ng Barangay New Society Village, Butuan City nitong Lunes, March 28, bandang 1:00 ng hapon.

Patuloy pang kinukumpirma ng mga awtoridad kung may batang na trap  sa isang bahay na pinangyarihan ng sunog.

Patuloy rin ang ginagawang assessment para malaman ang bilang ng pamilyang nawalan ng bahay kasama na ang cause of damage. Bandang 2:05 ng hapon ng ideklara ng BFP na fire out na ang lugar.

Bukod sa mga fire truck at mga private fire trucks ng siyudad  ay rumesponde rin ang fire trucks na mula pa sa iba’t ibang lungsod ng Agusan del Norte.

Eralie Bernades – EBC Correspondent, Agusan del Norte