Clean-up drive ng Iglesia Ni Cristo sa bayan ng Isabel, Leyte, matagumpay na naisagawa

ISABEL, Leyte (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ang clean-up drive noong Sabado, March 11 sa Isabel, Leyte.

Pinangunahan ito ng kapisanang Buklod (kapisanan ng mga may-asawa sa loob ng INC). Nilinis nila ang pangunahing lansangan sa nasabing bayan. Nagpahiram naman ang lokal na pamahalaan ng garbage truck para hakutin ang mga naipong basura.

Bagaman masungit ang panahon, hindi ito nakahadlang sa mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo upang patuloy na tumulong lalo na sa pangangalaga sa ating kapaligiran.

Marami ring mga kaanib nito ang nakipagkaisa sa ginawang aktibidad. Pinuri naman ng mga residente ang ginawang community service ng INC.

Ranilo Enoy – EBC Correspondent, Isabel, Leyte