Camp Defense Dry Run isinagawa ng mga kapulisan sa Cantilan, Surigao del Sur

CANTILAN, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagsagawa ng  Camp Defense Dry Run ang Philippines National Police (PNP) sa Bayan ng Cantilan, Surigao del Sur. Pinangunahan ito ni PSInps. Mark Navales, hepe ng nasabing istasyon.

Layunin nito na lalo pang mapaigting ang kapayapaan at seguridad ng publiko sa kanilang bayan. Paghahanda pa rin ito sa anumang posibilidad na pag-atake o pagsalakay ng alinmang banta ng terorismo. May kaugnayan din ito sa proyektong isinusulong ngayon ng mga awtoridad kontra krimen at terorismo.

Sa nasabing aktibidad ay tinalakay muna sa mga personnel ng Municipal Police Station ang hinggil sa Suspension of Police Offensive Operations na sinundan na ng Camp Defense Dry Run. Naging Maayos at madali naman para sa mga kapulisan ang pagsasagawa ng aktibidad.

Dennis Revelo – EBC Correspondent, Surigao del Sur