Brigada Eskwela, isinagawa sa mga paaralan sa Tandag, Surigao del Sur

TANDAG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagsagawa ng Brigada Eskwela  sa mga paaralan sa Tandag, Surigao del Sur, noong Sabado, May 13.

Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan ng mga bata.

Maagang dumating sa mga paaralan partikular na sa Buenavista National High School at Maticdom Elementary School ang mga teacher, mga magulang ng mga mag-aaral, ang mga kinatawan ng Department of Education, at ilang personnel ng Tandag City Municipal Police Station upang pangunahan ang nasabing aktibidad.

Sinimulan nila ang aktibidad sa pamamagitan ng lektura mula sa mga naglilingkod sa DepEd.

Tinalakay nila ang mga alituntunin sa paaralan kung paano mapananatili ang kaayusan at kalinisan ng mga paaralan.

Pagkatapos nito ay kaagad na sinimulan ang paglilinis sa loob at labas ng mga eskwelahan, nagpintura at kinumpuni ang mga sirang kagamitan.

Sa kabuuan ay naging matagumpay ang nasabing aktibidad.

Merly Orozco – Eagle News Correspondent, Tandag City, Surigao del Sur

9e99cd0d-fbbb-439c-8558-fb840282ee54 96d3659c-2764-42b8-88d8-a242e3feac39 853bdc8c-15ec-4cc5-bf2d-c0c1ceaf8aa6 04054ec9-e142-4270-be19-84cf9804b5ab acca35bd-d7a1-4188-a183-bbd04eb4408b b772295c-5aca-4652-8a73-fdeb36c8462b f741c9d6-8846-4166-935d-1d62acf858f4