Abu Sayyaf “crisis” sa Bohol, tapos na

CALAPE, Bohol (Eagle News) – Napatay na ang dalawang natitirang miyembro ng Abu Sayyaf na nakasagupa ang mga awtoridad noong Abril sa Inabanga, Bohol.

Ayon sa report, namataan sina Abu Asis at Abu Ubayda sa isang security checkpoint sa Bgry. Lawis, sa Panggangan, Calape.

Nanghostage din diumano ang dalawang bandido at sinubukan pang tumakas gamit ang isang nakaw na motorsiklo.

Doon na unang napatay ng security forces si Ubayda habang nakatakas naman si Asis.

Bandang alas singko ng hapon naman, ilang oras matapos ang unang engkwentro, napatay ng mga miyembro ng Philippine National Police Special Weapons and Tactics si Asis nang mamataan ito na nakikipagsuntukan sa isang residente.

Ayon kay 302nd Infantry Brigade Commander Brigadier Arnulfo Matanguihan, tapos na ang “crisis” patungkol sa Abu Sayyaf sa probinsya.

Alibeth Rosales – EBC Correspondent, Bohol