P375K halaga ng shabu, nakuha sa isang lalaki sa Camarines Norte

 

TALISAY, Camarines Norte (Eagle News) – Arestado ng mga otoridad ang isang lalaki sa isang buy-bust operation sa Camarines Norte nitong Martes, ika-28 ng Nobyembre.

Inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-Camarines Norte, PDEA Regional Office 5-Bicol at Talisay Philippine National Police si Roland dela Punta, residente ng Purok 1, Brgy. San Francisco, Talisay,  matapos makuhaan siya ng 74 gramo na pinaghihinalaang shabu bandang alas 9 ng umaga.

Ayon sa mga otoridad, nagkakahalaga ng Php375,000 ang nakumpiskang shabu sa suspek.

Nasa kustodiya na ng mga otoridad si Dela Punta, na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

 

(Eagle News Correspondent – Orlando Encinares)