Mga lumang pera ipinadedeposito ng BSP sa bangko

AGOSTO 3 (Agila Probinsya) — Nanawagan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng Naga Branch sa mga mamamayan at mga negosyante na makipagtulungan sa kanilang kampanya na mai-deposito na sa mga bangko ang mga lumang pera o yung tinatawag na news design series (NDS).

Ang NDS ay maaari lamang gamiting pambili o pambayad hanggang Disyembre 31, 2015. Sa pagpasok umano ng taong 2016 ay hindi na papayagang gamitin at pwede na lamang palitan sa mga bangko hanggang Disyembre 31, 2016.

Pagpasok naman ng Enero 2017 at hindi na tatanggapin ang mga tinaguriang NDS notes o lumang pera dahil wala na rin itong halaga.

(Agila Probinsya Correspondent Chay Alday)