Medical Caravan at Dental Outreach 2015, isinagawa sa Boracay

Isinagawa ang magkasabay na Medical Caravan 2015 at Dental outreach Boracay 2015 sa isla ng Boracay, bayan ng Malay probinsya ng Aklan. Namahagi sa nasabing lalawigan ng libreng gamot, tuli, bunot ng ngipin at pagkuha ng blood pressure at limang masuwerteng Malaynon ang nabigyan ng libreng pustiso.

Ang Medical Caravan 2015 at Dental Outreach Boracay 2015 na ito ay pang labing anim na taong handog na serbisyong pampubliko ng Metropolitan Doctors Clinic, Clinica De Boracay at ng Cetro Escolar University Dental Alumni Association sa tulong ng iba’t-ibang kumpanya na may kinalaman sa isinagawang aktibidad na ito.

(Agila Probinsya Correspondent Sheryl Valenzuela, Eagle News Service MRFaith Bonalos, Jericho Morales)