May-ari ng jeep na bumangga sa bus sa La Union, humarap sa LTFRB

MANILA, Philippines (Eagle News) — Dumulog sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 1 ang may-ari ng jeep na bumangga sa isang bus na ikinasawi ng 20 tao.
Ayon kay Ronald Dicusin, hiniram sa kanya ng driver ang jeep.

Ipinaalam umano ng driver na pupunta sila ng kanyang mga kaanak sa Manaoag, Pangasinan.
Nilinaw din ni Dicusin na hindi inarkila ang kanyang jeep at wala siyang tinanggap na bayad.

Hindi naman ito pinaniniwalaan ni Zoraida Perez, ina ng driver ng jeep na si Ronaldo Perez Jr.

Dec. 25 nang sumalpok ang jeep sa partas bus sa Agoo, La Union.

Nagresulta ito sa pagkasawi ng 20 katao at pagkasugat ng 26 katao.