Klase sa Abra suspendido dahil kay “Odette”

BANGUED, Abra (Eagle News) – Sinuspende na ni Gov. Jocelyn Joy Bernos ang klase ng ilang estudyante sa Abra nitong Biyernes, ika-13 ng Oktubre dahil sa Bagyong “Odette.”

Walang pasok ang mga bata mula preparatory hanggang high school sa mga pribado at pampublikong paaralan.

Pinapayuhan naman ang mga mamamayan na nakatira sa mga nasabing lalawigan na gawin ang ibayong pag-iingat lalo na sa mga nakatira sa lugar na prone ng landslide at flash flood.

Samantala, nakahanda naman ang mga local government unit sa maaaring hindi kanais nais na pangyayari.

Roger Vargas – Eagle News Correspondent