Isang fish cage caretaker patay matapos tamaan ng kidlat sa Baquioen Bay, Sual, Pangasinan

SUAL, Pangasinan (Eagle News) – Patay ang isang fish cage caretaker matapos tamaan ng kidlat habang nagpapakain ng mga alagang bangus sa Baquioen Bay, Sual, Pangasinan nitong Linggo, Mayo 20.

Ayon kay Senior Insp. Napoleoon Eleccion, hepe ng pulisya ng Sual, ang biktima ay si Jonalyn Damalen, 25, residente ng Brgy. Baybay Norte.

Siya diumano ay caretaker ng mga fish cage na pag-aari ng Argin Aqua Farm sa Baquioen Bay.

Ayon sa kapulisan, nagpapakain ng bangus ang biktima kasama ang kaniyang kapatid nang ito ay tamaan ng kidlat bandang alas 5:00 ng hapon.

Nasaklolohan pa ito ng mga tauhan ng Sual Rescue at naisugod sa Western Pangasinan District Hospital ngunit idineklara na itong dead on arrival. Nora Dominguez