Hundred Islands, isa sa mga tourist attraction ngayon sa Pangasinan

(Eagle News) — Tumataas ang bilang ng mga turistang bumibisita sa pamosong Hundred Islands na matatagpuan sa Alaminos City.

Ayon sa City Tourism Office umabot na sa 561,000 ang bilang ng mga dumadayong turista sa Hundred Islands.

Labis namang ikinatutuwa ng mga bangkero sa Hundred Islands National Park (HINP) ang pagdami ng turistang bumibisita sa nasabing lugar.

Ayon sa mga bangkero, malaking benepisyo ang development ng Alaminos City Government kaya ito dinadagsa ng mga turista.

Ayon kay Mayor Arthur Celeste, iba’t ibang water sports activities ang inilunsad sa Hundred Islands at lalo pang dinevelop ang ilang isla sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga gazebo, cottage, picnic shed, guesthouse, at marami pang iba

Ayon sa City Tourism Office, inaasahan pa ang pagdagsa ng mga bakasyunista nitong darating na mga ligngo hanggang sa holiday break.

Mahigpit namang ipinatutupad ang kalisinasan at kaayusan sa bisinidad ng Hundred Islands kung saan ay bibigyan ng pabuya ang mga nag-uuwi ng kani-kaniyang sariling kalat, mula sa ordinansang pinagtibay ng City Government. (Eagle News Pangasinan Bureau Nora Dominguez)