Honda Bay sa Puerto Princesa negatibo na sa red tide toxins – BFAR

Photo courtesy of BFAR-Puerto Princesa, Palawan

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Inaalis na ng Bureau of FIsheries and Aquatic Resources ang  pagbabawal sa pangunguha, pagkain at pagbebenta ng mga shellfish na nagmula sa Honda Bay sa Puerto Princesa City, Palawan.

Ang naturang kautusan ay nakapaloob sa anunsyo ng BFAR noong ika-7 ng Marso.

Matatandaang buwan pa ng Disyembre ng nakaraang taon nang ipagbawal ang pagkain at pagkuha ng iba’t ibang uri ng shells sa Honda Bay dahil sa pagpopositibo nito sa paralytic shellfish poison.

Matapos ang halos tatlong buwan ng masusing pagbabantay ng BFAR ay ligtas na umanong kaninin ang mga shellfish sa naturang lugar.

Samantala, patuloy naman sa pagmo-monitor ang BFAR at LGU sa Honda Bay upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at maprotektahan ang shellfish industry. Anne Ramos