Dalawang mangingisda sa Romblon, nawawala

ALAD, Romblon (Eagle News) – Patuloy na nananawagan ang mga kaanak ng dalawang nawawalang mangingisda sa bayan ng Romblon, Romblon. Ang dalawa ay kinilalang sina Mario Baile at Roger Culas pawang residente ng Barangay Alad, Romblon, Romblon.

Ayon sa report, lulan di-umano ang dalawa ng kanilang bangkang pangisda na may pangalang IMERSON. Inalarma na rin ng Coast Guard at PDRRMO ang mga counterpart nito sa mga karatig na lugar upang agad na mahanap ang mga nawawalang mangingisda.

Samantala, kinansela ng Coast Guard Station ng Romblon ang lahat ng biyahe ng mga pump boat sa buong lalawigan ng Romblon dahil sa nakataas na gale warning sa dagat na sakop ng lalawigan.

Courtesy: Renand Pastor – Romblon Correspondent