Dabawenyo, lalong hinangaan si Pangulong Duterte, matapos ang unang SONA

DAVAO City (Eagle News) — Lalo pang hinagaan ng mga Dabawenyo ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos ang kauna-unahang nitong State of the Nation Address (SONA) noong Lunes, July 25. Matiyagang inabangan at kinasabikan ng lahat lalo pa’t ang tinuturing na ama ng Davao at tinatawag ng ilan na “Tatay Digong” ay nagpakahayag na muli ng kaniyang mga plano at gustong mangyari para sa kapakanan ng lahat.

Sa lungsod ng Davao, bagama’t naging masungit ang panahon sa araw ng SONA ni Pangulong Duterte, walang tigil naman ang mga isinagawang programa sa iba’t-ibang dako ng lungsod upang ipakita at ipaalala sa Dabawenyo ang ilan pang mga plataporma ng Pangulo.

Inabangan ng ilan ang SONA ni Pangulong Duterte sa big screen sa na isinet-up sa harap ng City Hall ng Davao. Ang ilan naman ay piniling sa mga Malls manuod. Marami ring sumubaybay sa pamamagitan ng internet at television.

(Eagle News Haydee G. Jipolan, Saylan – Davao City Correspondents)