Clean-up Drive, isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Bataan

Ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa Baranggay Ala-uli, Pilar bataan ay nagsagawa ng isang clean-up drive sa kahabaan ng Governor Jj Linao National Road .

Ang clean-up drive na kanilang isinagawa ay isa mga aktibidad ng Iglesia Ni Cristo sa Bataan upang maipadama sa mga tao ang malaking pagmamalasakit ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang ukol sa kalinisan ng kapaligiran at upang makaiwas sa anomang sakit lalo na sa panahong ito.

Labis naman na ikinatuwa ng mga tao ang isinagawang aktibidad na ito ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo at nakahimok para ipagmalasakit ang kalinisan ng kapaligiran.

(Agila Probinsya Correspondent Danica De Leon, Eagle News Service MRFaith Bonalos)