Cessna plane bumagsak sa Binalonan, Pangasinan; 2 katao sugatan

Ni Nora Dominguez
Eagle News Service

BINALONAN, Pangasinan (Eagle News) – Sugatan ang dalawa katao matapos mag-crash ang isang Cessna plane sa kalagitnaan ng maisan sa Binalonan, Pangasinan nitong Martes, Marso 13.

Ayon sa Binalonan Police Station, ang mga sugatan sa insidente sa Barangay Linamansangan ay  sina Captain Bruce Sinaking, piloto at flying master, residente ng Baguio City; at ang pilot student na nakilalang si Marcus Lim.

Agad namang isinugod sa pagamutan sa lungsod ng Urdaneta ang mga biktima.

Ayon sa otoridad, bandang 7:00 ng umaga nang mangyari ang insidente.

Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Binalonan Police.