Bagong Mabiga interchange ng NLEX-SCTEX, binuksan na

MABALACAT, Pampanga (Eagle News) – Binuksan na ang bagong Mabiga interchange ng NLEX-SCTEX sa Brgy. Mabiga, Mabalacat, Pampanga.

Sa pagbukas ng bagong interchange inalis na ang U-turn slot sa NLEX-SCTEX na ginagamit ng mga sasakyang galing ng national road at patungo ng Clark, Subic at Tarmac.

Maaari nang dumaan ngayon ang mga sasakyang patungo ng Clark, Subic at Tarlac sa bagong exit road at toll booth ng Mabiga interchange, at gayun din sa kanilang pagbalik sa national road ng lungsod.

Mabilis at maayos naman ang dulot sa daloy ng trapiko sa pagbubukas ng bagong ng U-turn slot sa NLEX – SCTEX. Ener Ocampo, Eagle News Service