Xian Lim’s first major concert

Isang konsiyerto ang handog ni Xian Lim sa kaniyang mga fans. Ito rin ang pagdiriwang niya sa nalalapit niyang kaarawan.

“A Date With Xian Lim”  ang pamagat ng concert na siyang kanyang 1st Major Concert.
Makakasama niya din dito ang On-Screen Love Team niya na si Kim Chiu.

Sa kanyang pagbisita sa atin dito sa Net 25 at Pinas FM, nagkaroon tayo ng pagkakataong makapanayam ang magaling na aktor at singer.

Narito ang ekslusibong panayam natin kay Xian.

“A Date with Xian Lim” first ever major concert ni Xiam Lim sa July 9

Sa darating na July 9, Gaganapin ang first ever major concert ni Xian Lim.
Magsisilbi narin itong birthday show ni Xian. Dahil sa darating na July 12 ang kanyang ika-27 na kaarawan.

Sa Kia Theater gaganapin ang “A Date With Xian Lim Concert”.

Ayon pa kay Xian, kahit bago pa lang siya noon sa industriya ay pangarap na talaga niya ang magperform sa harap ng maraming tao.

Kabado man subalit gagawin niya ito alang-alang sa kaniyang mga tagahanga.

Hinihiling niya na abangan ito ng kanyang mga tagahanga sapagkat tutugtog siya ng isang grand piano at makakasama rin niya sa concert ang Philharmonic Orchestra.

Bukod sa kaniyang concert, Ano-ano pa ba ang dapat nating abangan sa kaniya?

Malaki naman ang pagpapasalamat niya sa mga fan na patuloy ang pagsuporta sa kaniya simula pa noong nag-uumpisa pa lamang siya sa show business.