Worldwide Lingap sa Mamamayan, isinasagawa sa San Fernando, Pampanga

SAN FERNANDO, Pampanga (Eagle News) – Kasalukuyang isinasagawa ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo ang Worldwide Lingap sa Northville 14 Covered Court, Brgy. Calulut, San Fernando, Pampanga.

Ipinaglilingkod ng Iglesia ni Cristo sa mga kababayan ang libreng serbisyong medikal at dental. May nakahanda ring 6,000 bags na bigas na ipamamahagi sa mga dumalo sa nasabing aktibidad.

Bago ito pinasimulan ay nagsagawa muna ng pagtatagubilin at gabay sa gagawing aktibidad sa loob ng kapilya ng Iglesia ni Cristo sa Lokal ng Calulut Distrito ng Pampanga West.

 

 

Resty Carlos – Eagle News Correspondent